" UNEXPECTED KISS " "ANG sarap ng tulog ko." nag-iinat ako ng katawan habang pababa ako ng hagdan. "Good Morning Sam." nakangiting bati ni Lei na kagagaling lang ng kusina at nagtatanggal ng apron. "Good Morning din, ang aga mo yata, ah. May pupuntahan ka ba?" pinagmamasdan ko siya at sinusuri ang suot niya. "Ah, may practice game kami mamaya, kaya mauuna na ako sayo." sabi ni Lei na naninibago sa 'kin. Yeah, mabait ba ako ngayon? Ganon talaga, good vibes, eh. Hehe. "Oh? Anong itsura 'yan?" weird ng itsura nitong si Lei. "Ah, wala, ang ganda mo kasi." sabi niya sabay sukbit ng bag niya na pang sports talaga. "Alam ko, matagal na. Haha." tawa ko. Ang ganda ko daw kasi. Hahahaha. "At baliw din." sabi pa niya at tinalikuran ako. "Hoy! Lei! Hindi ka puwedeng

