Sinubukan niya buksan ang mga mata. Liwanag na mula sa ilaw ng silid iyun ang agad na namulatan niya. Isang hindi pamilyar na silid ang nabungaran nya agad na dinunggol siya ng takot at pangamba ng maalala ang mga nangyari sa kanya sa kamay ni Jacob. Ngunit pinatili niya ang pagiging matatag. Sinubukan niya magsalita pero napakasakit ng kanyang lalamunan. Ngunit susubukan niya sambitin ang pangalan ng lalaking gusto niya unang makita sa pagmulat niya. "A--"halos walang tunog na usal niya sa nanginginig na labi. Ngunit muli niya inusal ang pangalan na hinahanap ng kanyang puso at isip. " A-aquilles.."mahina niyang usal. "Sanastacia.." Agad na sumulpot sa harapan niya ang hinahanap. Agad na nag-init ang kanya mga mata. "A-aquilles.." "Sanastacia.." nasasabik na niyakap siya nito ng ma

