Naging alerto si Stella ng makaramdam sya ng mabigat na pakiramdam mula sa paligid niya. May isang tulad niya na malapit sa kanya. Nasa tapat siya ng nakasaradong pintuan ng condo unit niya. Umuwi muna siya pasamantala upang gawin ang plano niya na pigilan si Prinsesa Roisa sa balak nito sa mga anak ng kapatid nito. Marahas siya bumaling paharap sa presensya na nararamdaman niya. Agad na nasukol niya iyun sa biglaan pagsulpot niya sa harapan nito. Nabigla ito sa ginawa niya. Marahas na sinalya niya ito sa pader. Nagpapasalamat siya na walang tao sa paligid. "Anong kailangan mo sakin,bampira?!"angil niya rito habang sumisilip ang mga pangil niya. " S-Stella..hindi ako kaaway,naparito ako para tumupad sa pakiusap ni Prinsesa Rebeka,"anito. Agad na bumaba ang depensa niya ng marinig ang

