Womanland... Blanko man o walang emosyon na makikita sa mukha ni Prinsesa Rebeka kabaligtaran iyun sa panloob ng katauhan niya. Napupuno ng poot at galit ang dibdib niya para sa nakakatandang kapatid niyang si Prinsesa Roisa. Ito ang dahilan kung bakit nasira ang masaya niyang pamilya. Pinatay nito ang asawa niya at ang mga anak niya,Diyos ko,sana nailigtas sila ni Stella sa mundo ng mga tao. "Mahal na prinsesa,oras na po para inumin ang inyong gamot," pukaw sa kanya ng utusan ng kanyang kapatid. Ang inumin na siya nagpapamanhid sa katawan at isipan niya pero iyun ang akala ng mga ito na iniinom niya ang maliit na binhi. Oo,para siyang patay na buhay pero dahil yun sa mga nangyari sa buhay niya. Para na rin siya pinatay pero lumaban siya para sa kanya mga anak na alam niyang buhay pa a

