"Busy ba si Boss? Hindi ata kayo magkasama ngayon?" salubong sa kanya ni Elson isang umaga na pumasok siya sa trabaho. "Reporter ka ba?" untag niya rito. Napakamot ito sa ulo sa pagsusupla niya rito. "Hindi naman,fan niyo kasi ako eh,"napapahiyang turan nito. Natigilan siya ng makita ang isang kumpon na bulaklak sa ibabaw ng desk niya. " Kanino galing ito?"baling niya kay Elson. Nagkibit ito ng balikat. "Hindi ba kay boss nanggaling?" anito. Imposible yun. Dinampot niya ang card na nakasingit roon. How are you,beautiful? J.A. Nagsalubong ang kilay niya. "J.A? Sino yun?" untag ni Elson na nakisilip pala sa binabasa niyang card. Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ko alam," aniya. "Uy,may secret admirer siya..Naku,lagot yan kay boss," nakangisi nitong saad. "Ibigay mo na lang,ay

