BUONG HAPON ay naging mahirap para kay Allyson ang mag-concentrate. Sa tuwing lilingon siya, nakikita niya si Dark at Isabella na tila laging magkadikit. Nagtatawanan, nagbubulungan, at kung minsan ay tila sinasadya ni Isabella na hawakan ang braso ni Dark para kumuha ng atensyon. "Naku, Señorita, napakaganda ng arrangement ninyo!" komento ni Aling Sela, isang vendor ng mga prutas. "Siguradong mananalo kayo sa best booth award!" "Salamat, Aling Sela. We did our best," sagot ni Allyson, pero ang mga mata niya ay naka-lock pa rin sa direksyon ni Dark. Nakita niyang ngayon ay tinuturuan ni Dark si Isabella kung paano mag-tie ng specialty knot para sa kawayan. Ang kamay ni Dark ay hawak ang kamay ni Isabella, guiding her movements, at ang tawa ng babae ay echoing sa buong plaza. "Putangina

