LUMIPAS ang dalawang araw na nanatiling malamig ang pakikitungo ni Allyson kay Dark. Gaano man kapursigido ang binata na magpaliwanag at kausapin siya ay tila hindi talaga siya binibigyan ng pagkakataon ng dalaga. Ang San Vicente ay naghahanda para sa kanilang taunang "Pista ng Masaganang Ani." Bilang kinatawan ng mga Morgan, hindi maaaring hindi sumipot si Allyson sa community activity sa plaza. Ito ang tradisyunal na pag-aayos ng mga pabellon o mga booth na gawa sa kawayan na pinalalamutian ng mga produkto ng bawat farm. "Señorita Allyson, narito na po ang mga kagamitan natin sa plaza. Hinihintay na rin po kayo ng mga opisyales ng barangay," untag ni Manang Mirna habang inaabutan siya ng sumbrero. Kinuha ni Allyson ang wide-brimmed hat at tiningnan ang sarili sa salamin. Mukha siyang

