UMAKYAT siya sa kanyang silid at humarap sa salamin. Tiningnan niya ang kanyang sarili—may kaunting dumi sa damit, bahagyang namumula ang balat dahil sa araw, at magulo ang buhok. Pero sa likod ng mga iyon, may ningning sa kanyang mga mata na ngayon niya lang nakita. Parang... parang masaya. Parang may kakaiba. "Ano ba 'tong nangyayari sa akin?" tanong niya sa reflection. Walang sumagot. Siyempre, mag-isa lang siya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinitigan ang inbox niya. Walang bagong message mula kay "Dee Eyy." "Bakit ko ba hinihintay na mag-chat siya?" asik niya sa sarili sabay bato ng cellphone sa kama. Pero ilang segundo lang, kinuha niya ulit. Check kung may message. Wala. "Ugh. Pathetic, Allyson. You're pathetic," sermon niya sa sarili. Nagpasya siyang maligo para m

