Matapos ang libing, nang mailagay na ang lahat ng bulaklak at makapagpaalam na ang ibang mga panauhin—nanatili si Allyson doon. Siya lang, ang puntod, at si Von na nakatayo sa di-kalayuan para bigyan siya ng puwang. Lumuhod siya sa sariwang lupa, hindi alintana kung madumihan man ang kaniyang puting damit. "You told me to come back here," sabi niya sa harap ng puntod. "To San Vicente. Sabi mo huwag kong ibebenta ang bahay. Panatilihin ko ito. Bumalik ako balang araw. Kaya narito na ako. Iniuwi na kita gaya ng gusto mo." Ipinatong niya ang kaniyang palad sa ibabaw ng lupa. "May nalaman din ako ngayong araw, Mamita. Isang bagay na nagpabago sa lahat. Tungkol kay Dark. Tungkol sa kung ano talaga ang nangyari sa highway na iyon. Hindi ko pa alam ang iisipin ko. Pero may mga tanong ako na

