HUNYO 18. Alas-sais ng umaga. Isinakay ni Allyson ang mga gamit sa SUV habang naghahanda si Manang Mirna ng baong tanghalian—pandesal na may palaman, nilagang itlog, bottled water, at prutas. Para bang isang simpleng road trip lang ito. Para bang papunta sila sa isang picnic, at hindi naghahabol ng isang multo. "Ready po ako, Señorita," sabi ni Manang Mirna, settling sa passenger seat with her small bag. "Thank you for coming, Manang. You didn't have to—" "Nandito ako para sa inyo, Señorita. Always." Simpleng sagot. Final. Sumulpot si Von sa pintuan, naka-pajama pa at may hawak na kape. "Calling you every hour," remind niya. "I know." "And Ally—" He stepped off the porch, lowered his voice. "I already made some calls last night. Sa financial contacts ko. Asked them to quietly

