Chapter 02

1548 Words
​MAAGANG nagising si Allyson kinabukasan, punong-puno ng determinasyon. Ngunit sa kanyang pagbaba, ang tanging naabutan niya ay ang tahimik na sala—wala na ang kanyang Mamita. Nakaalis na ito patungong Japan kasama ang mga amiga nito. ​“Ngayong araw ko na sisimulan ang Operation: Hanap-Asawa 101,” kumpyansang bulong niya sa sarili habang nakatingin sa salamin. ​Suot ang isang preskong kulay rosas na dress na hanggang tuhod at simpleng sandals, mabilis siyang lumabas ng ancestral house. Ang sikat ng araw ay tila nakikisama sa kanyang plano. ​“Señorita, saan po ang lakad ninyo?” nagtatakang tanong ni Manang Mirna na kasalukuyang nagpupunas ng mga muwebles. ​“Diyan lang ho, Manang. Maghahanap lang ng mapapangasawa, hehe,” sagot ni Allyson na may kasamang alanganing ngiti. ​Natigilan si Manang Mirna at napakamot sa ulo. “Naku, Señorita, baka naman ho nagbibiro lang ang Señora sa sinabi niya sa inyo kagabi.” ​“Hindi, Manang. Kilala ko si Mamita, mayroon siyang isang salita. Kaya maiwan ko na ho muna kayo rito at ako’y maghahagilap na ng 'The One',” biro niya bago tuluyang humakbang palabas. ​“Eh, samahan ko na ho kaya kayo, Señorita?” nag-aalalang habol ng matanda. ​“Kaya ko na ang sarili ko, Manang! Diyan na ho kayo!” Sigaw ni Allyson habang nagmamadaling tumakbo patungo sa gilid ng bahay bago pa man siya mapigilan ng kasambahay. ​Pumasok siya sa garahe at doon ay nakita ang isang lumang bisikleta. Kayamanan pa ito ng kanyang yumaong ama. Bagaman medyo maalikabok, mukhang maayos pa naman ang mga gulong nito. Ito na ang gagamitin niya para mas malayo ang marating at mas malanghap ang sariwang hangin ng San Vicente. ​Masarap sa pakiramdam ang dampi ng hangin sa kanyang balat habang dahan-dahang pumapadyak. Walang tiyak na direksyon si Allyson, hinahayaan lang niya ang kanyang mga paa na dalhin siya kung saan man. Nadaanan niya ang malalawak na lupain at mga taong abala sa pagsasaka. Marami na ring nagbago sa loob ng anim na taon—ang huling beses na napadpad siya rito ay noong ilibing ang kanyang mga magulang. Isang mapait na alaala na pilit niyang itinago sa isang sulok ng kanyang isipan. ​Tumigil lamang siya sa pagpedal nang mapagtanto niyang medyo malayo na ang kanyang narating. Huminto siya sa ilalim ng isang malago at malaking puno upang sumilong. ​“Ang sarap ng hangin!” malakas niyang bulalas habang nakapikit at dinarama ang kapayapaan ng paligid. ​“Tsk... ang ingay!” isang iritadong boses ang bumasag sa katahimikan. ​Napamulat si Allyson at lumingon sa kabilang parte ng puno. Doon ay nakita niya ang isang lalaking nakahiga sa damuhan, nakatakip ang mukha ng isang suot na t-shirt. ​“Bakit ka kasi diyan natutulog? Wala ka bang bahay?” nakapamewang na tanong ni Allyson, tumaas agad ang kanyang kilay sa pagkapahiya. ​“Eh, ano namang pakialam mo?” sagot ng lalaki nang hindi man lang kumikilos. ​“Hoy! Bakit ba ang sungit mo?” ​“Ikaw kaya ang maistorbo ang tulog dahil sa sigaw na akala mo’y ngayon lang nakatikim ng hangin,” asik nito. ​“Eh ‘di pasensya na kung naistorbo kita! Bawal na pala mag-appreciate ng kalikasan ngayon,” inis na sagot ni Allyson sabay irap, kahit hindi naman siya nakikita ng lalaki. ​Hindi na sumagot ang lalaki. Nanatili itong nakahiga at tila binalak na ituloy ang naudlot na tulog. Nag-alinlangan si Allyson kung aalis na ba o mananatili. Pinagmasdan niya ang pigura ng lalaki. ​“Anong tinitingin-tingin mo riyan?” biglang wika nito sabay tanggal ng damit na nakatakip sa mukha. ​Muntik nang lumabas ang puso ni Allyson sa gulat. Bigla itong bumangon at hinarap siya. Kumunot ang noo ng lalaki, ngunit si Allyson ay tila naestatwa. Makapal na kilay, matangos na ilong, at mapupulang labi na tila iginuhit ng isang bihasang pintor. ​“S-sinisigurado ko lang kung tulog ka talaga,” utal na sagot ni Allyson, pilit ibinabalik ang kanyang taray. ​“Isara mo nga ‘yang bunganga mo, baka pasukan ng langaw,” pagpapatuloy ng lalaki sa mapanuyang tono. ​“O, ikaw pa ang may ganang magalit? Ikaw na nga itong nang-istorbo sa pamamahinga ko, ikaw pa ang matapang.” ​“Kasalanan ko bang ginawa mong kwarto itong ilalim ng puno?” ​“Hindi. Kasalanan ng bunganga mong sobrang ingay.” ​“Aba’y sumusobra ka na, ha! Mabangungot ka sana sa pagtulog mo!” asik ni Allyson habang nagmamartsang pabalik sa kanyang bisikleta. ​Ngunit hindi pa siya nakakalayo nang makarinig siya ng isang mapanirang sigaw mula sa likuran. ​“Hoy, babae! Flat ‘yang gulong ng bisikleta mo!” ​“Wala kang pakialam!” malakas na sigaw ni Allyson. Pinilit niyang pumadyak kahit nararamdaman na niya ang bigat ng manibela at ang pag-alog ng gulong sa likod. ​Ilang metro pa lang ang layo niya sa malaking puno nang tuluyan nang bumigay ang bisikleta. Halos hindi na ito gumagalaw. Napatingala siya sa langit—ang kaninang maliwanag na sikat ng araw ay napalitan na ng makulimlim na ulap. ​“Patay... paano ako uuwi nito?” ​Nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Sa gitna ng malawak na taniman ng ubas at pinya, wala siyang makitang masisilungan. Nababasa na ang kanyang pink na dress at nagsisimula na siyang mangatog sa lamig. Biglang may humintong motor sa kanyang tabi. ​“Sakay!” tipid na utos ng driver. ​Hindi siya lumingon at nagpatuloy sa paglalakad habang hila-hila ang mabigat na bisikleta. ​“Tsk... tigas ng ulo.” Isang kamay ang humawak sa kanyang braso at pilit siyang pinatigil. ​“Ano ba! Bitawan mo ako!” pagpupumiglas ni Allyson. ​“Hoy, babae, huwag kang OA. Ikaw na nga itong tinutulungan, nag-iinarte ka pa.” ​Napamulat si Allyson at bumungad sa kanya ang mukha ng masungit na lalaki sa ilalim ng puno. Wala na siyang nagawa. Sa takot sa kulog at kidlat, napilitan siyang umangkas sa motor nito. ​“P-paano ‘yung bike ko?” pag-aalala niya. ​“Ipapakuha ko na lang sa mga tauhan ko.” ​Mabilis na pinasibad ng lalaki ang motor. Ngunit ilang sandali pa lang ay bigla itong huminto nang marahas. ​“Teka nga, bakit sa leeg ka nakahawak? Papatayin mo ba ako?” iritadong tanong ng lalaki. ​“Eh, sa balikat mo kaya ako nakahawak!” depensa ni Allyson. Hinuli ng lalaki ang kanyang mga kamay at marahang inilagay sa sarili nitong baywang. ​“Dito ka humawak kung ayaw mong tumilapon.” ​Ramdam ni Allyson ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Ang init ng katawan ng lalaki sa gitna ng malamig na ulan ay nagdulot ng kakaibang kaba sa kanya. Huminto sila sa isang modernong kubo sa gitna ng malawak na lupain. ​“Pumasok muna tayo sa loob,” aya nito. ​“Hoy! Teka lang, baka trespassing tayo rito!” ​“Tsk... tanga talaga.” ​“Namumuro ka na, ha!” ​“Huwag kang mag-alala, ikaw lang ang makukulong sa ating dalawa kung sakaling mahuli tayo,” nakangising sagot ng lalaki sabay pasok sa pinto. Walang ibang pagpipilian, sumunod na lang si Allyson. ​Binigyan siya nito ng puting t-shirt at boxer shorts na tila bago pa. “Mauna ka nang maligo. Doon ang banyo sa may kusina.” ​“Wala ba silang... bra rito?” tanong ni Allyson na may alanganing ngiti. ​Pinadadaan ng lalaki ang tingin sa kanyang dibdib. “Wala. Gumagamit ka ba niyon? Mukhang wala namang matatakpan.” ​“Aba’y loko ka, ah! For your information, Mister-I-don’t-know, mayroon ako ‘non ha!” asik ni Allyson sabay talikod at dumeretso sa banyo. ​Paglabas niya makalipas ang ilang minuto, ang amoy ng noodles ang sumalubong sa kanya. Nakalugay ang kanyang basang buhok at ramdam niya ang init ng noodles na inihanda ng lalaki. Kahit masama ang loob, nilantakan niya ang cup noodles dahil sa sobrang gutom. ​Nang matapos siya, lumabas ang lalaki mula sa banyo na tanging tuwalya lang ang nakabalot sa baywang. Napalunok si Allyson. Kitang-kita ang perpektong hubog ng katawan nito—ang abs na tila inukit at ang malapad na balikat. ​“Tss. Pinagnanasaan mo na naman ang katawan ko,” pansin nito kaya agad siyang lumingon sa ibang direksyon, ramdam ang pamumula ng kanyang mga pisngi. ​“Kapal mo naman!” ​“Tara na, tumigil na ang ulan. Baka mahuli pa tayo ng may-ari ng kubo,” aya nito na may kasamang tawa. ​Sa biyahe pauwi, tila sinusubok ang pasensya ni Allyson. Sa bawat preno ng motor, hindi niya mapigilang sumubsob sa likod ng lalaki. ​“Ayusin mo naman ang pagmamaneho! Napakamanyak mo!” ​“Wala nga akong maramdaman, eh,” pang-aasar nito. ​“Bwisit ka talaga!” ​Nang makarating sa tapat ng ancestral house, hindi na nag-atubili si Allyson. Bumaba siya agad at dumeretso sa loob nang hindi lumilingon. ​“Thank you, ha!” sarkastikong sigaw ng lalaki mula sa labas. ​Itinaas lang ni Allyson ang kanyang kamay, ang gitnang daliri ay nakaturo sa langit bilang sagot, bago tuluyang isara ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD