Chapter 04

2333 Words
NAGISING si Allyson sa marahang katok ni Manang Mirna sa pinto ng kanyang silid. Ang pagtulog niya ay hindi masyadong mahimbing dahil puno ito ng panaginip tungkol sa isang masungit na lalaki na nakangiti. Kinusot niya muna ang kanyang mga mata at pilit na iwinaksi ang antok bago tumayo upang pagbuksan ang matanda. "Bakit ho, Manang?" tanong niya, medyo paos pa ang boses. Ano kayang oras na? Tumingin siya sa wall clock—alas-nuwebe pa lang ng umaga. Medyo late na rin siya para sa kanyang usual na gising. "Señorita, may bisita ho kayo sa ibaba," sagot ni Manang Mirna na tila naguguluhan din. May dala itong basang bimpo at itinuro ang hagdan. Nagsalubong ang kilay ni Allyson. Wala siyang gaanong kakilala sa San Vicente dahil karamihan sa mga kaibigan niya ay sa Maynila nakatira at abala sa kani-kanilang karera. Sino kaya? Baka si Viel, ang pinsan niya? "Sino raw po, Manang?" tanong niya habang tinatanggap ang bimpo at pinupunasan ang mukha. "Hindi rin ho pamilyar sa akin, Señorita, eh. Pero mukha pong mabait. At saka gwapo rin," pagkukwento ng kasambahay na may halong ngiti. Gwapo? Mas lalo tuloy na curious si Allyson. Pero may bahagi sa kanya na kinakabahan. Baka naman si Gabriel Alvarez? Imposible naman siguro. "Sige po, susunod na ako. Mag-aayos lang sandali," sagot niya bago pumasok sa banyo para naghilamos siya at nagsuklay ng buhok. Tumingin siya sa salamin—may eye bags siya dahil sa hindi maayos na tulog. Kinurot niya ang pisngi para magkaroon ng kulay. Kahit sino man ang bisita, ayaw niyang mukhang haggard. Pinili niya ang isang simpleng white na blouse at denim shorts. Casual pero presentable. Lagyan ng kaunting lip tint. Konting brush ng buhok. Perfect. Matapos pasadahan ng tingin ang sarili sa salamin at masiguro na hindi naman siya mukhang bagong gising, bumaba na siya. Nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdan nang matanaw niya ang pamilyar na likod ng isang lalaki. Matangkad. Broad shoulders. Naka-black shirt at faded jeans. Hindi. Hindi pwedeng siya 'yon. Agad na bumilis ang kanyang pagbaba, determinasyon at inis na nagsasalubong sa kanyang dibdib. "Anong ginagawa mo rito?" diretsahang tanong niya nang makaharap ang binata. Humarap sa kanya ang lalaki—ang masungit na estranghero kahapon. Ang taong muntik nang maging dahilan ng kanyang panic attack dahil sa takot sa kulog at kidlat. Ang taong tinawanan siya dahil sa flat na gulong. Ang taong… nakita niyang naka-towel lang. Focus, Ally. "Hinatid ko lang 'yung bisikleta mong naiwan. Baka kasi sabihin mo ninakawan kita," sabi nito, may ngiti sa labi. Casual lang, parang wala lang. Napatingin si Allyson sa gilid. Nandoon nga ang bisikleta—nakapatong sa tabi ng pinto, mukhang linis na linis pa. Parang bago ulit. "A-ah... ganoon ba," tila napaatras ang dila ni Allyson. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ng lalaki pagkatapos ng bangayan nila. Akala niya, after kahapon, hindi na niya makikita ulit ang taong ito. Pero eto, nandito, sa bahay nila, na akala mo'y may karapatan. "Bakit? Hindi ka ba naturuang magpasalamat?" nakangising tanong nito, may diin. Ang kilay ay nakaangat, parang hinihintay ang reaction ni Allyson. Napakahiya. Tama naman. Pero ang pride ni Allyson ay mas malakas pa sa kanyang common sense. "Bakit ikaw? Hindi ka ba naturuang rumespeto sa babae?" ganti ni Allyson, ibinabalik ang kanyang depensa. Armado na naman siya. Kahit ano pang sabihin ng lalaking ito, hindi siya magpapahuli. Nakita niyang kumunot ang noo nito, pero may ngiti pa rin sa labi. Mukhang nag-eenjoy ito sa bangayan nila. Naputol ang namumuong iringan nang dumating si Manang Mirna dala ang isang tray ng meryenda—chocolate cake, juice, at saging con yelo. "Manang, nag-abala pa kayo. Aalis na rin naman po 'yan," wika ni Allyson sabay nguso sa lalaki, na parang bata. "Eh, nakakahiya naman, Señorita, sa bisita niyo," sagot ni Manang habang inilalapag ang tray sa mesa. "Halika na ho, Sir, maupo kayo." "Hindi siya bisita, Manang. Bwisit siya," pagtatama ni Allyson, may diin. Natigilan si Manang Mirna at tumingin sa dalawa. Pero hindi na nag-komento. Isang tipid na ngiti lang ang itinugon niya bago lumisan, pero kitang-kita ni Allyson ang nag-aalangang ekspresyon nito. Agad namang kumuha ng juice ang lalaki at uminom na tila ba nasa sariling bahay lang. Kahit walang permiso. Kahit hindi naman siya inanyayahan. Umupo ito sa sofa, parang may-ari ng bahay. Napailing si Allyson. Ang kapal ng mukha. "Siya na ho ba, Señorita, ang nahanap ninyong asawa?" pahabol na tanong ni Manang mula sa pinto ng kusina. Oh. My. God. Muntik nang maibuga ng lalaki ang iniinom na juice. Nasamid ito at malakas na umubo habang si Allyson naman ay tila gustong lamunin ng lupa sa hiya. Namula ang mukha niya hanggang sa tenga. Nanginginig ang kamay sa labis na kahihiyan. Manang! "Ayan, buti nga. Patay-gutom kasi," pang-aasar ni Allyson, bagaman ang totoo ay kinakabahan siya. Gusto niyang tumakbo papunta sa kusina at takpan ang bibig ni Manang Mirna. Ano ba 'tong kasambahay na 'to? Pinahihirapan siya! "Naku, ayos lang ho ba kayo, Sir?" pag-aalala ni Manang na saglit na bumalik, dala ang isang basong tubig. "O-opo, ayos lang po ako, Manang," sagot nito habang pinupunasan ang labi, tuloy pa rin ang bahagyang pag-ubo. Tuluyan nang naglakad si Manang patungong kusina dahil marami pa raw itong gagawin, pero hindi bago mag-iwan ng nang-aasar na tingin kay Allyson. Traydor. Nang dalawa na lang sila, tinitigan siya ng lalaki nang seryoso. Ang ngiti kanina ay nawala na. Napalitan ng curiosity. "Seryoso ba 'yung tanong ni Manang?" Hindi pa ba halata? "Kailan ka pa naging chismoso?" nakataas-kilay na tanong ni Allyson, umiiwas sa tanong. Ayaw niyang mag-explain. "Wala lang... naisip ko lang, mukhang laking Maynila ka naman. Wala bang nagkagusto sa iyo roon at dito mo pa napiling maghanap ng asawa?" tanong nito habang nakahawak sa baba, tila sinusuri ang buong pagkatao ni Allyson. Napatingin siya sa lalaki. Ang ekspresyon nito ay… parang interesado. Parang talagang curious. Hindi lang basta nang-aasar. "Wala kang pakialam kung saang lugar ko gustong maghanap!" depensa ni Allyson, defensive pa rin. "Ang sabihin mo, wala talagang nagkakamali sa iyo roon," pang-aasar nito, bumalik na ang ngiti. Wait. Did he just say— "Lumayas ka na nga! Sinisira mo lang ang araw ko!" singhal ni Allyson, tumayo na at nakaturo sa pinto. Pero ang lalaki? Chill lang. Hindi man lang gumalaw. Tumawa pa nga. "Pero... gusto mo bang ako na lang?" Biglang naging seryoso ang boses nito. Napatigil si Allyson. Hindi siya makahinga. Pakiramdam niya ay tumigil ang mundo. Bumilis ang pintig ng kanyang puso at naramdaman niya ang init sa kanyang mga pisngi. Ang mga mata ng lalaki ay nakatuon sa kanya—intense, parang hinihintay ang sagot. Ano ba 'to? Totoo ba 'to? Tumingin siya sa mga mata nito. Seryoso. Walang biro. Paano niya sasagutin? Ngunit bago pa siya makasagot, humalakhak ang lalaki ng malakas na akala mo'y wala ng bukas. Parang ang saya-saya. "Kaso, hindi kita type, eh." Boom. Umakyat lahat ng dugo ni Allyson sa ulo. Konting-konti na lang ay masasapok na niya ang kaharap. Gusto niyang kumuha ng unan at ihampas sa mukha ng lalaking ito. "Siraulo! Sana tinanong mo rin ako kung type kita!" asik niya, nanginginig sa galit—o baka sa hiya. Nahuli. Nahuli siya na parang tanga. Humagalpak ito ng tawa na lalong nagpainit ng ulo ng dalaga. Tumigil lamang ito nang makitang tila sasabog na si Allyson sa galit. Ang mukha nito ay namumula na, ang mga kamay ay nakakuyom. "Okay, okay. Sorry. Joke lang," sabi nito, pero halata pa ring nag-eenjoy. Huminga nang malalim si Allyson. Kailangan niyang kumalma. Kailangan niyang bumalik sa mission. "Wala ka bang kaibigang single at ready to mingle?" tanong ni Allyson, pinipilit ibalik ang usapan sa pakay niya. Ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol kanina. Nakakahiya. Sobra. "Wala... at kung mayroon man... wala pa rin," sagot nito, casual lang. "Sagutin mo naman ako nang maayos!" inis na singhal ni Allyson. "Aba, bakit kita sasagutin, eh hindi ka pa naman nanliligaw?" pang-aasar nito, may ngiti pa rin sa labi. "Wala ka talagang kwentang kausap!" singhal ni Allyson, hindi na makatiis. Tumayo siya at tumalikod, ayaw na niyang makita ang lalaking ito. "Tsk. Napakapikon mo talaga," huling hirit ng lalaki bago ito tumayo at tuluyang lumabas ng bahay nang hindi man lang nagpapaalam nang maayos. Pinanood ni Allyson mula sa bintana ang lalaking sumakay sa motor. Bago ito tuluyang umalis, lumingon ito sa kanya at ngumiti—isang matamis na ngiti na nagpabilis ng t***k ng puso niya. Nang mawala na sa paningin ang motor, napahawak siya sa kanyang dibdib. "Ano ba 'tong nangyayari sa akin?" ISANG MATAMIS na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Dark nang tuluyan siyang makalabas ng mansyon ng mga Morgan. May kung anong kakaiba sa dalagang iyon na nagpapagaan ng loob niya kahit palagi silang nag-aaway. Interesting. Sobrang interesting. Hindi niya alam kung bakit, pero gusto niyang asarin pa. Gusto niyang makita ulit ang namumulang pisngi nito. Ang galit na galit pero cute na mukha. Dumiretso siya sa kanyang motor at pinaharurot ito patungo sa kubo sa gitna ng ubasan—ang kanyang secret hideout. Ang lugar na walang nakakaalam, maliban sa pinagkakatiwalaan niyang mga tao. Pagbaba niya, sinalubong siya ni Manong Bert, ang matapat na tagapangalaga ng kanilang lupain. Matanda na ito, mga sixties, pero masigasig pa rin. "Sir Dark, mayroon lang ho tayong kaunting problema. Mukhang may pumasok sa kubo kahapon noong wala kayo," bungad ng matanda, may alalahanin sa mukha. Napatigil si Dark. Alam na niya kung saan papunta 'to. Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang dalagitang si Aya, anak ni Manong Bert. Mga dalawampung taon ang edad, mabait, at laging tumutulong sa tatay. May bitbit itong pamilyar na kulay rosas na damit—ang damit ni Allyson. "Kuya Dark, may nakita ho akong damit-pambabae sa banyo," kiming wika ni Aya, may kaunting ngiti sa labi. Parang alam na. Bahagyang natigilan si Dark bago muling ngumiti. "Ah... hayaan niyo na. Mukha namang walang nawala sa loob." "Hindi ho ba kayo, Sir, ang pumunta rito kahapon noong kasagsagan ng ulan?" usisa ni Manong Bert, kumunot ang noo. Halatang may suspetya na ito. "Hindi ho, Manong. Nasa bahay lang ako kahapon," pagsisinungaling niya. Ayaw niyang gumawa ng ingay tungkol sa nangyari sa kanila ni Allyson. Privacy. Respect. At baka kung ano pa ang isipin nila. "Nilabhan ko na po ito, Kuya," nakangiting sabi ni Aya habang hawak-hawak ang damit. "Mabango na po. May konting punit sa gilid, pero tinahi ko na rin po." "Sige, salamat. Para kung sakali mang bumalik ang 'trespasser' na iyon, mabango ang damit niya," biro ni Dark, pero sa loob-loob niya ay alam niyang ibabalik niya ito kay Allyson. Personally. Nagpaalam na ang mag-ama dahil kaarawan ng bunsong anak ni Manong Bert. Bagaman inanyayahan siya sa isang simpleng salu-salo, magalang na tumanggi si Dark dahil may kailangan pa siyang tapusing mga report para sa kanilang negosyo. "Next time po, Sir. Pumunta rin po kayo ha?" paalam ni Aya. "Sige, salamat ulit," sagot ni Dark. Napalingon si Dark sa gilid ng kubo kung saan nakasampay ang pink na dress ni Allyson. Amoy floral. Mabango. Napailing na lang siya habang may ngiti sa labi bago pumasok sa loob ng kubo. Umupo siya sa sofa at kinuha ang laptop. May ilang reports siyang kailangan tapusin—yung mga pinapadala ng kanyang assistant mula sa Maynila. Business acquisitions. Real estate. Investments. Pero kahit nakatingin siya sa screen, ang isip niya ay lumulutang pa rin sa mukha ni Allyson. Ang galit. Ang hiya. Ang pagkapikon. Cute. Kinuha niya ang phone at nag-log in sa f*******:. Nag-search ng "Allyson Morgan." Bingo. May lumabas. Private ang account, pero nakita niya ang profile picture—si Allyson, naka-corporate attire, nakasmile. Mukhang professional at elegante. Nag-send siya ng friend request. Tingnan natin kung ia-accept niya. *** SAMANTALA, sa mansyon, walang magawa si Allyson kundi ang mag-scroll nang mag-scroll sa f*******:. Ngunit kahit anong tingin niya sa screen, ang utak niya ay lumilipad patungo sa lalaking gumugulo sa kanyang sistema. Bakit ba niya hindi matanong ang pangalan nito kapag nagkakaharap sila? Ang tanga niya. Ilang beses niyang sinubukang i-search sa f*******:—"masungit na lalaki sa San Vicente," "gwapo pero bastos sa San Vicente"—pero syempre, walang lumalabas. Paano naman kasi?, hindi naman niya alam ang buong pangalan nito? Napabuntong-hininga siya. Tinamad na siyang mag-scroll. Ang boring ng feed. Puro food pictures at baby pictures ng mga kakilala niya. Ting! Isang notification ang lumabas. Isang friend request. Wala itong mukha—ang profile picture lang ay isang malaking puno sa ilalim ng asul na langit. Napatingin siya. "Dee Eyy" ang pangalan. "Weird," bulong niya. Pero dahil bored na siya sa kanyang sampung friends sa f*******:—oo, sampu lang dahil in-unfriend niya lahat ng ibang friends niya after ng breakup niya years ago—in-accept niya ito. Hindi pa lumilipas ang limang minuto, may mensahe na agad. Dee Eyy: ... Napatitig si Allyson sa screen. Ano 'to? Dots lang? Ally: ?? Dee Eyy: .?.?.? Napairap si Allyson. Ano ba 'tong taong 'to? Walang kuwentang kausap. Ally: ..|.. Nag-send siya ng middle finger emoji substitute. Dee Eyy: Ang bastos mo naman. Natigilan si Allyson. Wait. Familiar ang tono ng reply. Parang… parang… Ally: Who you? Dee Eyy: Hulaan mo. Napabuntong-hininga si Allyson. Wala siyang oras para sa guessing games. Pagod na siya. Confused na siya. At gutom pa. Ally: Not in the mood. Bye! Ipinatong ni Allyson ang cellphone sa kanyang dibdib at bumuntong-hininga. Ayaw niyang magsayang ng oras sa mga estranghero sa internet, ngunit hindi niya maikakaila ang kakaibang kaba. Sino kaya 'yon? Maya-maya pa, nakaramdam siya ng antok. Ang init ng tanghali at ang soft na unan ay perfect combination. Humikab siya at pinikit ang mga mata. Dinalaw na siya ng antok at tuluyan nang nakatulog sa gitna ng hapon, ang cellphone ay nakapatong pa rin sa kanyang dibdib, ang screen ay nag-flflash pa ng isang bagong mensahe mula kay "Dee Eyy." Dee Eyy: Cute mo talaga pag tulog. Pero hindi na niya ito nabasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD