ANG MGA sumunod na araw ay tila kuryente na naputol ang komunikasyon nina Dark at Allyson. Hindi man lamang nagpakita si Dark sa ancestral house, at tuwing susubukan ni Allyson na pumunta sa Hacienda, palagi na lamang siyang sinasabihan ng mga guards na wala roon ang binata. Nakaupo si Allyson sa sulok ng library ng ancestral house—ang paboritong lugar ng lola niya noon para magbasa. Hawak niya ang kaniyang cellphone, ang screen ay nakabukas sa thread ng kanilang mga mensahe—lahat ay naka-seen ngunit walang kahit isang reply mula kay Dark. Sinubukan niyang mag-text ulit. "Dark, please. Kausapin mo naman ako. Ano ba talaga ang problema?" Seen. Walang reply. "Kung tungkol yan sa sinabi ng papa mo, pag-usapan natin. Together." Seen. Walang reply. "Dark, mahal kita. Hindi mo na ba ako m

