ADELINE REVALDEZ POV:) "Adeline, mahina ka pa! Balik na tayo sa clinic!" tawag ni Hannah habang patuloy ang mabigat kong hakbang papunta sa soccer field. Nandun daw si JK—may "kalaro." O mas tamang sabihing, may pinaglalaruan... FLASHBACKS “Nasaan si JK?” tanong ko, sinusubukang ilihis ang usapan. “Ayun! May pinaglalaruan.” Nakangiti pa siyang sumagot, pero may halong kaba ang tinig niya. Napakunot-noo ako. May pinaglalaruan? Anong ibig niyang sabihin? “Magsabi ka nga ng totoo, nasaan si JK? At sino o ano ang ‘pinaglalaruan’ niya?” mariin kong tanong, sabay tingin sa kanya ng may bahid ng babala. “Sa... soccer field. Pinaparusahan niya yung mga estudyante—uhm, I mean... ewan ko! Baka nagbabasketball lang! Hehe.” halos nadulas niyang sagot. Sabi ko na nga ba. Agad akong bumangon m

