ADELINE REVALDEZ POV:) Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana, sinusundan ng mata ang bawat tanawin na nadadaanan ng sasakyan. Wala akong ideya kung anong lugar 'to, pero may kutob akong may ibig sabihin ang pupuntahan namin. Sana lang mali ang hinala ko. "JK, saan ba talaga tayo pupunta?" mahina kong tanong, pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi siya sumagot agad. Nakatuon lang ang mga mata niya sa daan, seryoso ang mukha niya—at to be honest, medyo nakaka-creepy siya kapag ganyan ang expression niya. Tahimik. Walang emosyon. "Sa lugar na sobrang mahalaga sa akin," sagot niya, malamig at diretso. Sa kama lang naman siya usually attached. Napabulong ako sa sarili, halos hindi ko maawat ang bibig ko. "Ano 'yan?" tanong niya, nilingon ako sandali. "Wala! Sabi ko... ang init," mabilis

