Kabanata 13: Kotse

1483 Words

ADELINE REVALDEZ POV:) Pagpatak ng alas-tres ng hapon, umalis na kami ni JK mula sa sementeryo. Habang nasa daan, dama ko ang pagod pero may kakaibang gaan din sa pakiramdam. Napasarap kasi ang kwentuhan namin kanina, kahit di niya naibahagi ang ilang bahagi ng buhay niya — lalo na tungkol sa mga nawala sa kanya. Naiintindihan ko naman. Alam ko rin kasi ang pakiramdam ng mawalan ng taong mahalaga. "Ba’t ang tahimik mo ngayon? Naninibago tuloy ako sa’yo," sambit ni JK habang hindi inaalis ang mata sa kalsada. Napakurap-kurap ako. Doon ko lang namalayang masyado akong nawala sa sariling pag-iisip. Ngumiti ako ng bahagya at tumingin sa kanya. "Wala naman. May iniisip lang ako," sagot ko sabay sandig ng ulo ko sa sandalan ng upuan. "Tungkol saan?" tanong niya ulit, banayad ang tono. "Tu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD