We are living a simple life in the Province of Camarines Sur. Caramoan Island to be exact. Caramoan Island is a hidden paradise in Camarines Sur, Philippines, known for its crystal-clear waters, white-sand beaches, and dramatic limestone cliffs. It offers a peaceful escape with unspoiled nature and stunning island views. Napakaraming magagandang tanawin sa aming isla. At ang Turismo at pangingisda ang pangunahing hanapbuhay sa aming lugar.
I am Marishka Aqua D. Abarquez, 21 years old, I am living in Barangay Gota with my family. Still studying, ang course ko ay Bachelor of Science in Accountancy. Third year college. Marami kaming magkapatid. Pito. Napakasipag talagang gumawa nang mga anak ang mga magulang nila. Hahaha, charoot lang. Kahit naman marami kami ay hindi naman nila kami pinabayaan at hindi sila nagkulang sa aming lahat. Ika anim ako at nag iisang babae lang sa aming lahat na magkakapatid. Ang anim na kapatid na mga lalaki ay katumbas ng sandamakmak na parang mga guwardiya sibil kung makapag bantay sa akin. Ang saya lang na bantay sarado ka at kapag nawala sa paningin nila ay susuyurin ng mga ito ang buong isla maging ang mga karatig barangay nila.
Ang mama ko ay si Aquanexa Dura Abarquez, maganda kahit medyo may edad na. Bakas pa rin ang kagandahan nito na halos kabaliwan ng papa nila. Noong kapanahunan daw nito ay laging kasama sa mga Reyna Elena, dahil sa taglay nitong ganda. Matangkad, may napaka haba at alon-alon na buhok, maamong mukha at balingkinitan na pangangatawan. Mukha itong isang magandang nilalang mula sa karagatan na naninirahan sa lupa. Malimit na gawing biro nang mga kapitbahay namin na ang mama daw namin ay isang sirena. Sirena na nagdesisyong manirahan sa lupa alang alang sa lalaking iniibig nito. Tinatawanan lang namin ang mga sinasabi nito dahil alam naman nila na walang katotohanan yun dahil normal lang na tao ang mama nila. Wala itong buntot at hindi mukhang isda.
Mapagmahal ito at maalaga sa aming magkapatid at sa aming papa. Ang papa ko naman, Mariano C. Abarquez, gwapo, matipuno ang pangangatawan, sobrang sipag, mapagmahal sa aming mga anak niya at sa aming mama, isa siyang huwarang ama. Pangingisda ang kanyang hanapbuhay. Dahil sa kahirapan ng buhay ng mga ito noon, hindi na kayang papag aralin pa ng lolo at lola niya ang papa niya. Kaya naman nakatapos lang ito ng sekondarya at hindi na nakapag kolehiyo pa. Ang pagpaparenta ng mga bangka sa mga kapwa niya pangingisda ang isa pa sa pinagkukunan nila ng ikabubuhay. Dito kami binuhay ng mga magulang namin. At hindi namin kahit kailan ikakahiya ang trabaho ng papa namin. Hindi naman sobrang marangya ang pamumuhay namin pero enough para makipag sabayan kami sa mga kaklase namin sa isang University. Lahat nang kailangan namin ay binibigay sa amin ng mga magulang namin. Hindi ng mga ito pinaranas sa kanila na magutom.
Nakapagtapos na lahat ang mga nakakatandang kapatid namin. Ang limang mga kuya ko ay pare-pareho nang mga propesyunal at may magandang trabaho na. Kami na lang ni bunso ang nag aaral pa.
Ang mga kapatid ko: Si Kuya Marinus, 38 taong gulang, nakapagtapos siya ng kursong Criminology at nakapasa sa board exam, pagkatapos nang exam at makapasa ay pumasok ito sa Philippine National Police, isa na itong magaling at matapang na pulis, nakadestino ito sa Maynila, may asawa na ang Kuya Marinus niya, si Ate Zerra, isa itong doktor sa isang tanyag na hospital sa Maynila, at isa ang anak nila, ang nag iisa kong cute na cute at napaka gandang pamangkin, si Zephyra. 2 years old pa lang ang pamangkin niya at bihira naman nilang makita, siguro sa isang taon tatlong beses lang. Doon kasi sila naninirahan sa Maynila at malayo sa amin. Kung minsan naman ay lumuluwas sila ng Maynila para makasama at makita ang mga ito.
Si Kuya Marino, 34 taong gulang, binata pa, wala atang planong mag-asawa pa. Ireto niya kaya sa mga kaibigan niya. Charr lang. Pinipilit na namin na mag asawa siya at napag iiwanan na nang mga kaedaran niya. Isa naman siyang Seaman at kasalukuyang naglalayag ang barkong pinagtatrabahuhan nito. Nakakainggit ang Kuya Marino niya dahil nakakapunta ito sa kung saang saang lugar. Dahil sa wala paring asawa kaya naman ang allotment nito sa trabaho ay sa mga magulang pa rin niya. Kaya naman pinapatigil na nito ang mama at papa nila sa pagtatrabaho at mag stay na lang sa bahay at mag relax. Pero dahil likas na masipag at sanay sa trabaho ang mga magulang nila, ayun nagtayo na lang ang mga ito ng bigasan, grocery, at poultry/piggery farm. Oh di ba, bongga ang mga magulang nila. Business minded talagang mag isip. Ang Kuya Marino niya ay marami nang properties na nabili lalo na ang mga lupa. Asawa na lang talaga ang kulang sa buhay nito.
Si Kuya Mariano, 30 taong gulang, binata, at isang guro sa pampublikong paaralan sa bayan namin. Isa itong high school teacher. Graduate ito sa kursong Bachelor of Secondary Education (BSEd), Major in English. Wala atang balak na magka nobya. Hindi man lang niya nabalitaan na nagkaroon ito ng girlfriend. Tutok na tutok ang atensyon nito sa propesyon at pagiging guro.
Si Kuya Maro, 26 taong gulang, binata at isang inhenyero, ayon sa pagkakaalam niya ay may nobya na ito. Hindi pa lang nito sa kanila napapakilala. Nagtatrabaho rin ito sa Maynila. Maganda na ang buhay nito dahil sa talino at diskarte sa trabaho. May sarili na rin itong lupa at bahay sa Maynila.
Si Kuya Marcelino, 24 taong gulang, binata rin, at isa namang nurse na nagtatrabaho sa Naga City. May plano ang Kuya Marcelino niya na mag abroad at doon magtrabaho bilang nurse.
At si bunso, Dalum, ang aking gwapo, malambing at mapagmahal na kapatid. 15 taong gulang ay nasa High school pa lang. Sobrang lambing nito pamilya nila kaya naman mahal na mahal niya ang bunso nila.
Malimit na kami lang apat ang natitira sa bahay kapag mga nasa trabaho ang mga kapatid niya. Ang mama at papa niya, ako at si Bunso. Ang bahay namin ay napaayos na at napalaki dahil sa pagtutulungan ng mga kapatid niya. Tatlong palapag na ang bahay nila. Dahil marami sila ay halos masakop na nila ang buong third floor at second floor. Tig iisa silang pitong magkakapatid ng kwarto habang ang mama at papa nila ay nagdesisyong sa first floor lang ang kwarto para hindi mahirapan sa pabalik balik sa taas at sa baba ng bahay.
Kilala sila sa kanilang lugar kapag nabanggit ang pamilyang Abarquez ay siguradong nakatatak sa mga isip nila ang pamilya namin. Kami ng pamilya ko ay bukas palad sa mga taong nangangailangan. Malimit na may pagdaraos sa bahay namin na kung saan may malaking handaaan kami para sa lahat. Maraming handa at may sayawan pa ang handog namin. At pagkatapos ng okasyon ay mamimigay pa kami ng isang malaking plastic ng grocery.
Tradisyon na sa pamilya namin ang gift giving taon taon. Ang lahat ng kapatid niya ay umuuwi galing sa mga trahaho kahit pa saan silang panig ng mundo. Masayang masaya kami kapag nabubuo kami. Maraming kwentuhan at bonding time na rin namin yan. Lahat ng mga nangyayari sa mga buhay namin ay kailangan naming ikwento sa isa't isa. Lagi naming namimiss ni mama ang mga kapatid kong lalaki na lahat na nagtatrabho sa ibang lugar. Kung dati kasa kasama nila ang mga ito. Naaalala pa niya yung mga panahon na hatid sundo siya ng mga kuya niya papunta sa eskwelahan. Nung high school siya ay maraming nagtangkang manligaw sa kanya. Kaya lang umaatras ang mga ito kapag nakikita na ang mga barako niyang kuya. Kapag nalalaman ng mga ito na may manliligaw sa kanya ay haharangan na ng mga ito sa labas ng gate ng school nila. Naku, konsumisyon ang mga kapatid niya pag nagsama sama ang mga ito. But of course, mahal na mahal niya ang mga ito.