PROLOGUE
"Please, I'm begging you, ayusin natin to. Mag usap tayo nang maayos. Huwag ganito na basta basta mo na lang akong babalewalain at iiwan. Mahal kita ng sobra sobra pa sa inaakala mo." pagmamakaawa nang isang dalaga sa kanyang nobyo. Halos hindi na ito makahinga ng maayos sa kakaiyak.
"Wala na kong balak pa na maniwala pa sa mga kasinungalingan na naman na sasabihin mo. I have had enough of your lies. From now on, you stay away from me. Don't try to come near me." galit na galit na bulyaw ng lalaki sa dalaga. Habang mahigpit na hawak ang braso nito at basta na lang binitawan kaya naman napasalampak ito sa sahig.
Mukhang sarado na ang utak ng binata at tuluyan nang nalason ang pag iisip nito nang kung sino man. Pinaniwalaan nito ang video na nakita kung saan makikita roon ang nobya nito na may kasamang ibang lalaki at nasa loob ang mga to ng isang kwarto sa Hotel. Hindi na siya makapag isip ng tama dahil sa nakita sa video. Sobra itong nasaktan at hindi niya akalaing magagawa ito ng dalaga sa kanya.
Hindi naman malaman ng dalaga ang sasabihin rito dahil galit na galit ang nobyo, kahit pa magpaliwanag siya ay mukhang wala na itong balak pa na makinig sa sasabihin niya. Mas pinaniwalaan nito ang video na ginamit nang babaeng baliw na baliw rito para ma frame up siya. Ang babae rin yun ang nakita niya sa party ng kaibigan kagabi at siguradong may nilagay ito sa ininom niya kaya naman ganun na lang ang hilo at parang wala na siyang natandaan sa mga nangyari. Nagising na lang siya noong umaga na, walang saplot sa ilalim ng kumot at may katabing lalaki. Hindi niya kilala ang lalaki at hindi niya rin matandaan pa ang mga nangyari sa kanila.
She sob uncontrollably from the pain she feel right now. Nagkamali siyang pumunta at dumalo sa kaarawan ng kaibigan. Pagkakamali na hindi na niya alam pa kung paano aayusin. Sirang sira na siya dahil kalat na kalat na sa school nila ang scandal na yun. At alam niya na ang babae rin ang may kagagawan nun.
"Please makinig ka naman sakin kahit sa huling pagkakataon na lang. Ikaw na lang ang taong inaasahan kong pakikinggan ako at hindi huhusgahan. Sayo na lang ako kumakapit na malalagpasan ko ang pagsubok nato. Huwag mo kong iwan sa ere. Please." humangolngol siya at nagmamakaawa rito. Halos maglupasay na siya sa harap nito.
"You filthy b***h, wala na kong balak na kausapin ka pa. And you are disgusting, magsama kayo ng lalaki mo at wala nakong pakialam pa sayo. Sinira mo na ang lahat, pagmamahal ko at pagrespeto ko sayo." pang iinsulto nito sa kanya at galit na umalis na at iniwan siya.
"Please, wala akong kasalanan sa nangyari. Biktima lang ako. Huwag mo kong iwan. Sinabi mo sakin noon, you will always trust me, no matter what." pahina ng pahina na sabi niya. Wasak na wasak na siya, wala na siyang makakapitan pa. Walang magtatanggol sa kanya sa sitwasyong napasukan niya. Ayaw niyang isangkot pa ang mga magulang maging ang mga kapatid sa problemang kinakaharap niya.
"Hindi mo inalam muna ang lahat, basta ka na lang naniwala sa mga sinungaling na yun. Ang babaw nang pagmamahal mo sakin." nakatulalang bulong niya. Patuloy pa rin siyang umiiyak.
Nanatili lang siya sa kinauupuan. Halos hindi na siya makagalaw dahil sa kakaiyak. Tumingala siya at pumatak ang ulan sa mukha niya. Ang saklap ng nangyayari. Ang lupit nang tadhana sa kanya. Parang nakikisabay ang langit at lumuluha rin. Nakikisimpatya sa pighating nararamdaman niya ngayon. Matagal siyang nanatili sa pwesto niya. Walang buhay siyang tumayo at naglakad na paalis.
Kailangan niyang bumalik sa boarding house at ayusin ang sarili. Bukas na bukas ay tatangkain niyang kausapin ang nobyo at baka sakaling makinig na ito sa kanya. Pagdating niya sa kwarto at nadatnan niya ang kaibigan. Agad itong lumapit sa kanya at alalang alala sa kanya.
"Mari, saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap. May nangyari ba? Nakinig ba siya sa paliwanag mo?"
"Hindi niya ko kayang paniwalaan at pakinggan. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hik.. Huhuhu. Bakit ganito ang nangyayari sakin. Mabuti naman akong tao, wala akong maalalang may inapakan akong iba. Mabuti akong anak ng mga magulang ko, mapagmahal akong kapatid at sobrang minahal ko siya. Binigay ko ang lahat sa kanya, walang natira sakin. Ubos na ubos na ko. Paano pa ko makakaahon sa nangyaring ito." umiiyak na sabi niya rito.
"Please Mari, be strong. Malalagpasan mo rin ang pagsubok nato. Marami pa kaming tapat na nagmamahal sayo. Andito lang ako at hindi kita iiwan kahit anong mangyari." umiiyak rin na sabi nito sa kanya. Niyakap siya nito ng mahigpit at pilit na pinatatahan.
Pagkalipas ng ilang sandali ay tumahan na rin siya. Tiningnan niya ang bestfriend niya at hilam ang luha na ngumiti rito.
"Salamat sa lahat ng pagtulong mo sakin. Sa lahat ng pagtatanggol na ginawa mo mula sa mga taong nanghamak sakin. Tatanawin kong malaking utang na loob ang lahat ng pagmamahal, pag aalaga at pagpapahalaga mo." emosyonal na ani niya rito.
"Bestfriend kita. Lahat nang tulong gagawin ko. Poprotektahan kita kahit anong mangyari." naluluhang sabi nito.
"Ayoko na. Gusto ko nang matapos na ang lahat nang ito. Pagod na pagod na ko."
"Best, please andito pa kami. Ang mga magulang at mga kapatid mo." pagpapalakas ng loob nito sa kanya.
"Hindi pwedeng malaman ng mama at papa ko maging ng mga kapatid ko ang nangyari sakin. Malaking kahihiyan ito sa pamilya ko. Hindi ko alam kung matatanggap pa ba nila ko. Itatakwil nila ko." humangolngol siya ng iyak.
"Hindi naman siguro yun mangyayari. Sobrang mahal ka nila para magalit at masuklam sila sayo. Best, sasamahan kitang kausapin sila. Maaayos rin ang lahat nang to. Have faith in God."
"Kailangan kong kausapin ulit si Zev. Baka bukas medyo kalmado na siya at pakinggan ako." desperadang sabi niya rito.
"Best, sigurado ka bang dapat mo pa siyang kausapin? Pinagtabuyan ka niya. Baka mas malala pa ang gawin niya sayo kapag kinausap mo pa." awang awa ito sa kanya, alam niya yun.
"Susubukan ko pa rin na kausapin siya. Baka sakali. Baka lang."
"Sige kung yan ang gusto mo. Pero sasamahan kita. Kahit na sa malayo lang ako habang kausap mo siya." ani nito.
Tumango siya at nagpa salamat rito. Maaasahan niya talaga ang kaibigan sa lahat ng oras.
"Ihahanda ko na ang banyo, you should take a shower para naman guminhawa ang pakiramdam mo."
"Salamat Best. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung wala ka rito."
"Wala yun. Wait lang best. Hintayin mo ko diyan."
Tiningnan niya ang bestfriend niya na inaayos ang mga gagamitin niya sa pagligo. Nang pumasok na ito sa banyo ay humiga na muna siya sa kama. Kahit anong gawin talaga niya ay hindi maalis sa isip ang mga tagpo kanina sa pagitan nila ni Zevian. Ang poot at galit nito sa kanya na nakatatak na sa utak niya. Ang pagkasuklam nito sa akala niyang panloloko niya rito. Mahirap na talaga ngayon ang magtiwala sa mga tao na akala mo ay nakikipag kaibigan sayo yun pala may masamang intensyon sayo.
Sana lang talaga bukas ay makinig na ito sa kanya. Kumakapit pa rin at naniniwala siya na maayos rin naman nila ang naging problema sa relasyon na meron sila. At ang videong kumakalat ay mapatigil na rin at maparusahan ang mga taong nasa likod nito. Hindi niya alam kung paano yun nagawa sa kanya nang ibang tao. Dahil lang ba sa selos? Handa ang mga ito na sirain ang buhay niya at ang kinabukasan niya dahil lang sa inggit at selos.
Lumapit na ulit sa kanya ang kaibigan at inalalayan na siyang tumayo at dinala sa banyo. Habang nasa loob ay umiiyak parin siya. Inaagos ng tubig ang mga luha niya.