Ang sumunod na klase ay hindi talaga pumasok. Abala raw ito at pag aralan na muna nila ang nakaraang lesson nito. At bukas daw ay mayroong pagsusulit na mangyayari. Mukhang mapapalaban siya sa pagrereview mamayang gabi. Ipagpapaliban niya muna ang continuation nang pinapa nood niyang Korean movie na "Goblin". Mas importante ang Quiz niya bukas. Dalawang subjects pa ang sumunod na pinasukan nila ni Seraphina.
Alas-onse na nang matapos sila sa huling subject. Gutom na gutom na talaga siya.
"Best, umuwi na tayo. Tapos naman na ang pasok natin ngayong umaga. Excited na ko sa pagkain na dala mo kanina."
"Sige best, let's go na." aya niya rito.
Sabay na silang lumabas ng campus at nag abang ng tricycle na masasakyan pauwi sa boarding house. Ang hirap naman kasing maglakad na sobrang init na nang panahon. Agad naman silang nakasakay at nakarating sa bahay. Mabait ang landlady nila na si Nanay Siony. 40 years old na ito at dalaga pa rin. Napaka bait nito sa kanila ni Seraphina. Parang anak na sila kung ituring nito. Isang tatlong palapag ang bahay nito. Sa first floor ay ito lang ang nakatira. Eto ang pinaka bahay nito. Ang ikalawa at ikatlong palapag ay ginawa nitong boarding house sa mga estudyante na pumapasok sa University of the Koch. Marami silang umuupa sa bahay ni Nanay Siony. At lahat sila ay sa isang Unibersidad lang pumapasok.
"Hello Mari at Sera, kukunin niyo na ba yung dala mo kanina Mari?" tanong sa kanila ni Nanay Siony. Pagdating kasi niya kanina galing sa kanila ay hindi na siya tumuloy sa taas ng kwarto nila ni Sera, iniwan na muna niya rito ang mga dala niya at dali-daling pumasok na sa eskwelahan.
"Opo, Nay. Yung isang tupperware po dun ng Kare-Kare at Lechon, pinapabigay po yun sa inyo ni Mama."
"Ay salamat. Hindi talaga ko nakakalimutan ng Mama mo kapag may padala siyang mga ulam sayo. Eh, ikaw na lang iha ang kumuha diyan sa sala nung mga dala mo kanina." ani nito.
"Okay po. Pasok na po ako."
Nang makita niya ang mga gamit na nakaipon sa may sofa nito ay kinuha na niya at lumabas na siya nang pinto. Huminto muna siya sa harap nito at binuksan ang thermal bag na dala. Binigay niya rito ang dalawang Tupperware na hinanda ng mama niya at isang malaking plastic naman na may lamang mga prutas galing sa farm nang kuya niya.
Tuwang tuwa ito sa mga binigay niya. Ang mama talaga niya ay mahilig na mamigay sa ibang tao lalo na at alam nitong alagang alaga sila ni Seraphina ni Nanay Siony dito sa bahay nito.
"Nay, taas na muna po kami ni Sera. Mag lulunch na rin muna po kami at kailangan naming makabalik sa school bago mag ala-una para po sa sunod naming klase."
"Sige na, tumaas na kayo at baka malate pa kayo. Pakisabi sa mama mo Mari na salamat sa mga binigay niya." masayang sabi nito.
"Opo, walang anuman po."
Tinulungan na siya ni Sera sa pag akyat ng mga dalang gamit. Nasa second floor sila. Sa pinaka unang pinto ang kwarto nila. Ito ang kagandahan sa paupahan ni Nanay Siony, malinis, malawak at maganda ang ambiance na talaga namang makakampate ka sa lugar. Pagpasok sa kwarto namin ay may maliit kaming kusina, may lababo at mesa. May sariling banyo rin at isang kwarto na kung saan may double deck lang para sa tulugan namin ni Sera. Mas okay na ang paupahan ni Nanay Siony kesa sa isang boarding house. Ang iba kasi higaan lang talaga ang BH, dito para ka rin lang naka apartment. May sarili kang maliit na kusina at may banyo pa. Napaka importante pa naman ng banyo sa isang bahay na tinutuluyan mo.
Nang mailapag niya sa mesa ang mga dala dala ay agad naman inasikaso ni Sera ang kanin na iinitin niya. Binuksan niya ang mga Tupperwares na may lamang ulam at inayos na ang maliit nilang mesa. Dinala na muna niya sa higaan niya ang mga damit at mga iba pang gamit na nakalagay sa isang malaking bag.
Saglit muna siyang umupo sa kama niya at tiningnan ang cellphone kung may mga messages siya na galing sa pamilya. Si bunso lang ang nag text at hinahanap siya. Bakit raw hindi ko man lang siya ginising bago ako umalis ng bahay kanina. Naku, kung gigisingin ko pa ito at talaga namang tulog mantika pa naman, lalo siyang nalate kanina.
Pagkatapos magreply rito ay tumungo na siya sa mesa at tumikim ng Lechon. Ang sarap talaga ng lutong gawa ng mama niya. Ingat lang talaga sa Lechon at talagang pakakapalin nito ang mga batok mo kapag nasobrahan ka. Habang sarap na sarap sa kinakain ay lumapit rin sa kanya si Sera at gaya niya ay tumikim na rin.
"Best, wala talagang makakatalo kay Tita pagdating sa mga lutong bahay. The best talaga. Napaka swerte niyo sa kanya. Mabait na, magaling na magluto, at ang ganda ganda pa. Si Mama kasi wala man lang kahilig hilig sa kusina. Mas gusto pa nun na nasa galaan, mag gym o yoga o kaya naman makipag kwentuhan lang sa mga chismosa niyang mga kaibigan."nakasimangot na reklamo nito.
"Hahaha, eh syempre iba iba naman ang mga nanay natin. Nagkataon na magaling magluto si Mama. Favorite pastime niya ang mag imbento nang mga ulam na pasok talaga sa panlasa ng mga nakakatikim nito." proud na sabi niya rito.
"Kaya nga, habang ang mama ko naman ang hilig ay yung pang bagets na galawan. Kaya naman lagi silang nag aaway nii Papa, dahil sa hindi mapirmi sa bahay namin laging nasa galaan." nakasimangot na sabi nito.
"Hayaan mo na lang siguro at gusto lang ni Tita Chiara na magrelax sa buhay."
"Haist. Grabe talaga. Kaya lang ano naman ang magagawa ko ganito talaga ang buhay na napunta sakin."
"Kaya nga, at ang mas maigi mong gawin ay yung makatapos ka sa pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho. Tapos mag travel travel ka rin katulad kay Tita. Hahaha."
"Ano ba yan. Ayoko ngang gumaya kay Mama. Gusto ko maging huwarang asawa at anak."
"Hoy Best, talagang asawa at anak ang naiisip mo agad ngayon. Dapat mga 35 years old ka mag asawa." ani niya rito.
"Ayoko, grabe naman ang 35 dapat mga 25 may asawa na ko. Tapos kapag 28 magbubuntis na ko. Para hindi ako mapag iwanan at mawala sa kalendaryo."
"Batukan kita diyan. Atat lang. Naku Best, mas magandang ienjoy mo lang ang buhay, at habang bata ka pa gawin mo na ang mga bagay na hindi mo magagawa kapag may pamilya ka na. Dapat may stable kang trabaho, may ipon ka at investment. Yang pag aasawa naman madali lang." mahabang ani niya.
"Oo na po. Ayyy, mukhang okay na yung ininit kong kanin natin. Wait lang Best. Para makakain na rin tayo. At baka malate pa tayo sa first subject natin this afternoon." agarang sabi nito.
Sa wakas, makakakain na rin ng lunch. Gutom na gutom na talaga ko. Agad na inihain ni Sera ang kanin sa hapag. Kinuha naman niya agad ang mga plato at kubyertos. Agad nilang sinimulan ang pagkain. Halos maubos nilang dalawa ang pinadalang ulam ng Mama niya. Pagkatapos na makakain ay busog na busog na siya. Kaya naman pinahinga muna niya ang sarili at inayos na muna ang mga gamit niya. Habang ang kaibigan naman ay hinugasan na ang mga ginamit nilang plates and utensils.
Bago pa mag ala-una ay nakaayos na sila ng mga kalat nila sa loob ng kwarto. Nag ayos na rin sila ng sarili para sa pagpasok sa eskwela. Syempre nag make up sila at nagpabango. Inaalala pa niya kung may subjects ba sila ngayong hapon na may Quizzes. Mukhang wala naman. At baka mabigla na naman siya sa surprise quiz. Conscious na conscious talaga siya sa mga grades niya. Ayaw niyang ma disappoint ang mga magulang niya at mga kapatid.