
Sa panahong kailangan ni Jenny ng masasandalan ay saka naman nawala ang taong akala niya ay siyang dadamay sa kaniya. Her long time secret boyfriend, Samuel.
Akalain mo yon, iniwan siya at piniling umalis ng bansa kung kelan sabay na namatay ang mga magulang niya. Kung kailan wasak ang puso niya.
Kaya naman ipinangako niya sa sarili na never, as in never na siyang magtitiwala sa isang lalaki.
Pero paano kung biglang may dumating na isang six footer na Ruso na sobrang landi at pilyo mula sa katauhan ni Anton Turgenev. Ang sobra pa sa sobrang palikero na pinsan ng boss niya sa Seven Digits Bar na si Nick Lazaro. Kahit anong iwas ay buntot ng buntot pa rin ang makulit na lalaking ito.
" I promised to make you fall for me no matter what, my Jenny" determinadong pangako ni Anton kay Jenny.
Kakayanin ba ng charm ng bakulaw na Ruso na baguhin ang pananaw sa lalaki ng isang suplada at palaban na Jenny Tanglawin?
Mapapaibig ba niya ang dalaga na ilang beses na siyang nahuhuli na may kalampungang babae sa bar?
-Anton Turgenev & Jenny Tanglawin
-story #2
