Chapter 4:
Elaina's Point of View
Pagdating ko sa loob ay sinalubong ako ng nakasimangot na si Norie. Pareho na wala kami sa mood pero pinili ko pa din siya tanungin dahil kanina pa siya imbyerna. May problema siguro ang bakla na 'to.
"Wag mo sabihin na dahil sa akin na naman kung bakit magkasalubong na naman ang mga kilay mo?" walang ganang tanong ko sa kanya.
Tinalikuran niya ako.
"Hoy bakla ano ba ang drama mo diyan ah? May nagawa o nasabi ba akong mali?" Pakli ko sa kanya.
Bago tuluyang lumabas ay sinagot niya ako. "Wag mo na lang ako pansinin Aina. May mga bagay lang talagang sadyang hindi magiging iyo kung hindi mo pagsusumikapan. Mahirap man tanggapin ang katotohanan, kakayanin ko" at mula dun sa mga mata niya ay nakita ko ang pamumugto ng mga luha niya.
Ewan ba kung bakit siya ganito. Kahit nung mga nakalipas na araw, lalo na tuwing tumatawag si Terence sa akin, bigla na lang mag-iiba ang aura niya. Minsan talaga may pagka-psycho ito ee.
Hindi ko na siya inimikan pa at pumunta na ako sa mumunti kong kwarto. Kahit maliit ito, masasabi kong lahat ng magaganda at masasalimoot na memorya nangyari sa kwarto na ito.
Nandyan na nung muntikan ako ma-rape dito habang nagpapalit ako ng damit para sa pag-waitress ko. Siya din naman ang pagsagip sa akin nung isang lalaking labis kong minamahal ngayon, si Terence.
Yup, unang pagkikita namin yun, at kaka-graduate ko lang ng highschool noon. Agad na ako pumasok sa bar, para may maipang-matrikula sa pasukan.
Andyan din nangyari ang unang halik ko sa mahal ko. That was the time nung sagutin ko si Terence, dito yun sa kwarto ko. Ewan ko bakit ako nainlove sa kanya, basta ang alam ko minahal niya ako at mahal ko din siya.
Sabi nga nila, kahit anong gawin mong pag-iwas sa pana ni kupido, kung para sayo talaga yun ay sayo tatama yun. Pero may mga pagkakataong ding maling pana ang ibinibigay niya kaya minsan hindi pagmamahalan ang nabubuo.
Maraming chances sa buhay, chance to love the right kind of person. To love him or her with no regrets. At sa palagay ko ay si Terence na ang matagal ko ng hinahanap.
Ngayon medyo nahihirapan na ako dahil dumating ulit si Arthur sa buhay ko. Siya ang pers lab ko kumbaga. Pero sa ngayon, wala na yung feeling na masakit. Nung iniwan niya ako, matagal din ako hindi maka-move on. Si Terence lang ang tumulong sa akin para ma-achieve ang pag momove-on.
Sa ngayon, paghanga na lang ang naratamdaman ko kay Arthur, dahil hindi mo naman maipagkakaila ang pagiging gwapo niya.
Humiga ako sa kama ko at nakatingin lang sa kisame iniisip ang mga bagay na sinabi sa akin ni Arthur kanina.
Flashback:
Matapos namin mag-usap ni Arthur, siya naman pagdating ni Terence. Hindi ko inaasahan na sa kaparehong event lang ang pupuntahan namin.
Gayundin, dumating ang girlfriend ni Arthur, si Loisa. Well she is beautiful, pero mukhang suplada. I feel na parang anytime, mangangagat siya kung aagawin sa kanya ang mga bagay na mahalaga sa kanya.
Pagdating namin sa event ay panay ang tingin sa akin nung si Loisa. She is fiercely looking at me. Ewan ko sa kanya, wala naman ako nagawang masama sa kanya. Hindi ko na lang siya pinansin, at tinuon ang sarili sa event at siyempre kay Terence.
Terence looks very good in his blue tuxedo with a red inner sleeves. Mas lalo akong nagwapuhan sa kanya, lalo pa at bago siyang gupit.
Matapos ang program ay kumain na kami. We shared table with Arthur and Loisa, kahit medyo hindi ako palagay sa mga titig niya sa akin. Parang gusto akong lapain.
Kwentuhan lang about our present life ang naging topic namin, hanggang sa mapunta ito sa mga past namin.
Alam ni Terence ang nakaraan ko kay Arthur, siya pa nga mismo ang nag-open sa topic. Well, matagal na rin naman iyon at komportable na akong pag-usapan ito. Nakita ko na medyo awkward pa rin si Arthur patungkol sa topic. Kaya I decided na i-divert ang usapan.
Matapos kumain ay nag-anyaya ang tagapagsalita na mag-sayaw sa gitna. Si Terence, bilang isang hindi marunong sumayaw ay tutol, pero pinilit ko siya dahil wala akong partner. Di naglaon ay napilit ko naman siya.
Para sa akin kasi, mas naiinlove ako sa lalaking hindi marunong sumayaw, pero pinipilit sumayaw para lang pasayahin ang kanyang kasintahan. At hindi ako nagkamali, ginawa ni Terence na sumayaw para sa akin. Kahit na madalas ay maapakan niya ang mga paa ko, ok lang. Mahalaga lang ay napasaya niya ako sa gabing ito.
Habang sumasayaw, panay naman ang tigtig sa akin ni Arthur. Ewan ko, pero siguro still in shock pa din siya dahil hindi niya inaasahan ang pagkikita namin. At marahil na rin siguro na malaki ang naging pagbabago ko sa pisikal na itsura. Dati kasi, patpatin ako at walang hubog. Minsan nga napapagkamalan akong tomboy dahil mahilig akong mag-cap noong highschool ako.
Ngayon, masasabi kong nagkatawan babae naman ako at natuto din ako mag-ayos sa sarili. Thanks to Norie. Siya ang nag-train sa akin kaya ganito ako ngayon.
Totally moved on na ako, dahil wala na ang sakit na nararamdaman ko noong iniwan ako ni Arthur. Nawala na ang mga hinanakit ko sa kanya, kaya hindi ko na siya magawang kamuhian kahit na ilang beses niya ako titigan o kausapin.
Matapos ang sayawan ay bumalik na kami sa table namin.
"Ahm excuse me, I have to answer this" Ani Terence nung tumunog ang celphone niya. Umalis muna siya sa table at naiwan kaming dalawa ni Arthur dito. Si Loisa, nauna ng umalis dahil pagod na daw ito.
"Ahhm, so fiance ka na pala niya?" kunot noong tanong ni Arthur sa akin. Napabalikwas naman ako agad ng tingin sa kanya. Iniisip ko kung sasabihin ko bang fiance ko siya kahit hindi pa naman siya nag-propose?
Napakagat ako sa labi ko habang iniisip ang sasabihin. "Ahh, Yes, actually, we...are getting married soon." bigkas ko.
Nakita ko ang pagmura niya sa hangin. Patay! Bakit nasabi ko yun. Nagsinungaling ako, pero diba dun din naman mapupunta yun? Mahal ko si Terence at handa ko siyang pakasalan whenever possible.
Para baguhin ang usapan ay ibinaling ko ang topic sa kanilang dalawa ni Loisa.
"So, how about you? Kayo ni Loisa, are you getting married too?" nakita kong medyo napangiwi siya sa pagtatanong ko. Anong ibig sabihin nun?
"Ahhm, let's say na we are just enjoying each others company pa. And besides, were not ready for bigger responsibilities." aniya matapos uminom ng brandy.
Maya-maya pa ay dumating na ulit si Terence.
"Babe, may emergency lang I need to attend this meeting. It's urgent kasi ee." ani Terence matapos kami lapitan.
"Oh sige, kung importante yan puntahan mo na. Basta mag-iingat ka!" sabi ko sa kanya.
"But, I'm guilty, hindi man lang kita maihahatid." aniya at hinaplos ang mga pisngi ko.
"Ahm bro let me hitch her a ride, tutal pauwi na din ako, hatid ko na siya." ani Arthur na siya namang ikinabigla ko. Ang kaninang medyo tulog kong katauhan ay nagising noong sinabi niya iyon. Dahil sa unang pagkakataon ay ihahatid ako ni Arthur.
Nagkatinginan lang kami ni Terence habang tinitimbang ang mga sitwasyon. Tumango na lang ako kay Terence. Kita ko sa kanya ang mata niyang nangugusap at tila tinatanong ako kung ayos lang ba na sabayan ako ni Arthur. Umangat ang ulo niya at binalingan ng tingin si Arthur.
"O sige, bro. Basta ingatan mo lang ang mahal ko. Dapat bukas, akin pa rin yan." pagbibiro ni Terence kay Arthur. Medyo namula ako sa ideyang iyon ni Terence. Pero syempre dahil loyal ako sa kanya, never ko siya ipagpapalit.
Lumabas na kami sa event place at dumiretso na sa parking lot. Magkahawak kamay kami ni Terence habang naglalakad. Mula sa gilid na aking paningin ay nakita ko ang pag-yukom ng palad ni Arthur.
Matapos nun ay narating na namin ang lugar ng sasakyan ni Terence.
"Sige bro. Ikaw na bahala kay Aina." aniya kay Arthur. Bago pa man siya umalis ay pinabaunan niya muna ako ng halik.
Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko ang pag-igting ng mga panga ni Arthur. Medyo matagal ang halik na iyon. Nadala ata si Terence.
"Sige na babe, see you tomorrow. Text mo ako agad kapag nasa bahay ka na. Love you!" aniya at kumaripas na ang minamaneho nitong sasakyan.
Tinanaw ko muna ang sasakyan niya hanggang sa mawala na ito.
Napatingin ako sa katabi ko ngayon. Kita ko ang mga ngisi ni Arthur habang tinititigan ako.
Napaka- depina ng kanyang jawline. Ito ang pinaka-gusto ko makita sa kanya. Mas naging gwapo siya magmula noong huli kaming magkita. Nagtaas ang mga kilay niya na tila nang-aakit.
"So, shall we?" ani Arthur na ngayon ay binuksan ang pinto ng kanyang kotse. Bakit ang gentleman niya? Bakit ngayon ko lang nakitang ang Arthur na ito? Bakit hindi pa dati?
Hay!! Naku Aina, wag ka na mag daydream, tapos na ang lahat sa inyo, remember? At isa pa, masaya naman ako kay terence diba?
Sumakay na ako sa kotse niya. Sumunod naman siya.
"Sa dati pa rin ba? Kina Norie?" Tanong niya. Napatingin ako sa kanya. Bakit alam niya kay Norie ako nakatira?
"Bakit mo alam na sa kanila ako nakatira?" Kunot-noong tanong ko sa kanya. Nakita ko ang mga ngisi sa labi niya.
"Ah, nalaman ko lang kay Terence kanina." Sagot niya.
Talaga? Close sila? Sinabi ba talaga ni Terence ang tinitirahan ko? Knowing na ngayon pa lang sila nagkakilala.
"Close kayo?" Biglang sabi ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ee. Bakit ba, hindi din naman magtanong sa kanya. Malay ko bang close pala sila.
Muling sumilay ang mga ngisi niya.
"Someday, you'll know why." Aniya. Tila isang misteryo ang sinabi niyang iyon. Ang hirap niyang intindihin.
Ewan ko, bahala siya kung ayaw niyang sabihin, basta ako mahalaga sa akin ay makauwi na.
Habang nagmamaneho siya ay nagtanong si Arthur.
"Sigurado ka ba na seryoso si Terence sayo?" Nabigla ako sa tanong niya. Paano niya nasasabi itong mga 'to?
"Bakit mo naman naitanong. Siyempre mahal ako nun, at mahal ko din siya." Kunot noong sagot ko sa kanya. Muli siyang ngumisi.
Nakakaloko na siya ha, kwestiyunin ba naman ang pagmamahal sa akin ni Terence, aba sigurado ako na ako lang ang mahal nun.
"Papaano pala kung hindi ka naman niya sineseryoso?" muli niyang hirit.
Napipika na ako sa kanya sa totoo lang, pero nagpipigil lang ako dahil wala akong lakas ng loob na patulan siya dahil wala akong sasakyan pauwi.
"You know what Arthur? It's useless sa part mo kung ano man ang mayroon kami ni Terence ngayon, dahil sa pagkakalam ko wala na akong isyu pa sa iyo dahil were off.." I said with a little disbelief in my voice.
Itinigil niya ang kotse sa isang madilim na parte ng highway. Malapit na ito sa tinutuluyan ko.
"Bakit mo itinigil, dun pa ang tinutuluyan ko oh!" tanong ko sa kanya. Binaling niya ang sarili niya sa akin at tinignan ako ng seryoso. Inirapan ko lang siya. His eyes, parang nangugusap sa akin ngunit hindi ko maintindihan ang mga pinapahiwatig nito.
"Papano kung hindi ka niya mahal?" muli niyang tugon magsasalita na sana ulit ako noong bigla niya ako halikan sa labi. Ang halik na matagal ko ng gustong maranasan sa kanya, ngayon ko lang naranasan.
"Papano pala kung ako ang nagmamahal sayo?" pakli niya matapos niya gawin yun.
Hindi na ako nakapagsalita pa. Tila may bolta-boltaheng kuryente ang dumadaloy sa sistema ko na parang gustong dumikit pa lalo sa lalaking katabi ko.
"Bakit mo ginawa yun?" Akma ko na siyang sasampalin noong halikan niya muli ako.
"Isa pang pag-akma mong sampalin ako, and you will never forget my next actions." aniya.
Kita ko ang mga ngisi sa labi niya. Hindi na ako makapagsalita pa at baka totohanin niya ang banta niya.
Bumuntong hininga na lang ako. "Please, ihatid mo na lang ako." halos namumugto na ang mga luha sa mata ko dahil hindi man lang ako makalaban.
Kahit na ganun, bakit hindi ko magawang magalit sa kanya. Does this mean na affected pa rin ako sa mga charms niya. Meron pa bang katiting na pagmamahal para sa kanya ang puso ko? O dahil nadala lang ako dahil masyado lang ako napangibabawan ng attraction sa kanya.
Bakit ang hirap! s**t! Bakit mo ginagawa 'to Arthur?
Nakarating na ako sa tapat ng bar na tinutuluyan ko. Bago pa man ako pumasok ay binalingan ako muli ni Arthur.
"Pag-isipan mo ang sinabi ko. I still like you Aina. Wala akong pakialam kung kontrabida ako sa buhay mo. Basta mahal kita, at handa akong gawin lahat para suyuin ka." sabi niya.
Sinuklian ko lang siya ng isang mapaklang ngiti at pumasok na ako sa loob.
end of flashback
Mahirap sa akin ang mamili dahil alam ko sa sarili ko ang pagmamahal ay napaka-importanteng bagay. Sa kabilang banda, wala din naman akong karapatan pang mamili dahil comitted na ako sa isa. Pagtataksil ang mamili ng iba kung may karelasyon ka na at nagmamahalan kayo.
Ayoko ng ganito. Please Arthur, huwag mo akong lituhin!
*to be continued