Elaina's Point of View
Hanggang ngayon ay binabagabag pa din ako nung mga sinabi sa akin ni Arthur nung isang gabi. Halos hindi ako makatulog tuwing gabi kakaisip sa mga sinabi niya. Mahal pa daw niya ako. Napapakagat ako sa labi ko sa tuwing naiisip ko ang mga katagang binitiwan niya.
"Babe, okay ka lang ba?" ani Terence "Bakit tulala ka?" dugtong niya. Nabalikwas ako ng tingin sa kanya at nagising sa katotohanan nung magsalita siya.
"Ah, oo okay lang ako." tugon ko sa kanya. "Talaga ba na aalis ka?" malungkot kong tanong ko sa kanya.
Sabi niya kasi kanina ay aalis siya ngayon, medyo matatagalan ang pag-uwi niya.
Tinignan niya ako ng deretso sa mata. "Mamimiss kita, babe" sabi nito na may lungkot sa boses niya. Inirapan ko siya.
"Babe, bakit ganyan ka magsalita, parang namamaalam ka naman ee. Wag ganyan, babalik ka naman after 6 months diba?" tanong ko. Alam ko babalikan niya ako.
"Nah, wag mo na lang intindihin ang sinabi ko, kumain ka na." sabi niya habang nilalaro niya sa plate ang pasta niya.
Hinawakan ko ang mga kamay niya, at pinisil ang mga iyon. "Mami-miss din kita. Basta wag ka magpapagutom dun ha. Tsaka always call me when you end every appointments so I can cheer you up." nag smile ako
Hinawakan niya din ang kamay ko at hinalikan. He looked me straight in my eyes. "Basta babe, kahit anong mangyari, tandaan mo na ikaw lang ang mahal ko. I love you until forever" at muli niya akong hinalikan, this time sa lips naman.
Siya lang talaga para sa akin. I fell inlove with this man beside me. He is the one whose with me noong mga panahong halos isumpa ko si Arthur. Nandyan siya at lagi kong karamay.
Siya ang nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa, na nandyan lang siya para sandalan ko sa tuwing may problema.
Minsan naalala ko yung time na una akong nagkaroon ng feelings para sa kanya ay noong nasa school kami at nagrereport ako. Bigla siyang pumasok sa room namin kahit nasa kalagitnaan kami ng klase. Pumunta siya sa harapan at niyakap ako ng mahigpit. Grabe!
Nahihiya ako at the same time kinilig sa ginawa niya. Kahit nasa harap kami ng marami kong classmates hindi siya nag-atubiling yakapin ako.
Ang akala niya daw ay iiwan ko siya, na lilipat na daw ako ng school at pupunta ng probinsiya.
Yun pala, nagkamali lang siya ng pagkakarinig. Si Elaine ang sinasabing lilipat sa mga classmates namin. Akala niya daw ako.
That time, that moment ay nagsimulang mabuo ang felings ko sa kanya. Simula noong araw na yun ay kami na ang laging magkasama. Ayaw na daw niya mawalay sa akin, kahit na magunaw ang mundo gusto niya kami ang magkasama.
"Sigurado ka ba na ayaw mong samahan kita sa loob ng airport?" tanong ko kay Terence habang nag-iimpake ito. Pupunta kasi siya sa Europe for a business meeting. Tatagal daw siya ng mga 6 months doon. Kahit naisin man niya na huwag na pumunta doon, kaso siya kasi ang Presidente ng kompanya nila.
"Hindi na babe. Kaya ko na 'to. Ayaw ko naman kasi makita na iniiwan kita. Masakit sa akin yun" nilapitan niya ako at hinawakan ang pisngi ko "basta tatandaan mo na ikaw lang ang reyna na buhay ko. Sandali lang ako dun at pag dating ko, magpapakasal na tayo." ani Terence
Nabigla ako at nasiyahan sa ideyang iyon ni Terence. Hinalikan niya ako sa labi matapos nun.
The kiss was gentle and turnes into a hungry one. Kumalas siya sa mga labi ko. "Wag muna ngayon, baka hindi na ako makaalis niyan. Saka na kapag dating ko. Basta pangako mo na sa akin lang yan ha!" ani Terence.
Kahit na ganun ay nirerespeto ni Terence ang pagka-babae ko. Yan ang minahal ko sa kanya.
Kahit na alam ko tuwing naghahalikan kami nagpipigil siya para hindi matuloy ang ganun.
***
Nakapasok na si Terence sa airport. Hindi ko mapigilang maluha habang tinatanaw siya habang pumapasok doon. Parang naramdaman ko ulit ang sakit noong iniwan ako ni Arthur. Shet! Si Arthur na naman ang naalala ko.
Hindi ko na kasi kaya pa ang naiiwan, lalo na at makailang beses na itong nangyari sa akin.
Una, noong sabay-sabay na namaalam ang mga magulang at kapatid ko. Tapos noong iwan ako nung unang lalaking minahal ko, at ngayon ang mahal ko naman ang nang-iwan sa akin.
Kahit ganun, buo pa din ang loob ko na babalik siya. Business is business kasi, kaya kahit ayaw niya ay kinakailangan niya itong gawin.
"Need someone to comfort you?" anang isang boses na nasa harapan ko. Patuloy ang paghikbi ko. Inalokan niya ako ng panyo na siya namang pinag-punas ko na luha ko.
"Salamat." pagtingin ko sa nag-abot sa akin ng panyo ay nabigla ako.
"Arthur?" biglang tanong ko.
"Oh, bakit biglang-bigla ka?" tanong niya. Inayos ko ang sarili ko at pinunasan ang bakas ng luha sa mga mata ko.
"Anong ginagawa mo dito?" maangas kong tanong. Sumilay ang mga ngisi sa labi niya na tila nanunuya ito.
"Oh, relax ka lang. Buti nga at nakita kita dito ee. Bakit ka nga ba umiiyak?" maangas niyang tanong.
Tinalikuran ko siya. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang paghikbi ko.
"Wala ka na pakialam pa kung bakit!" at akma ko nang iwan siya nung hinila niya ako pabalik sa kanya.
"I care cause I still love you!" bulong niya sa tenga ko. Tila nakuryente ako sa mga sinabi niyang iyon. Ang mga katagang ilang ulit na bumabagabag sa akin, heto na naman at ginugulo ang utak ko.
Pinilit kong hindi maapektuhan sa kanya. Hinarap ko siya.
"Ano bang kailangan mo at nakukuha mo pang sabihin sa akin yan?" galit kong tugon. "Hindi ko alam kung anong balak mo, pero sa totoo lang naiinis ako sayo. Bakit?" tinignan ko siya ng deretso sa mata " dahil pinipilit mo ang sarili mo sa akin samantalang noong mga panahon na ikaw lang ang minahal ko hindi mo man lang ako pinapansin." natawa ako ng mapakla.
Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.
"Gusto mo ba malaman ang katotohanan kung bakit kita iniwan?" tanong niya sa akin. Muli ko siyang hinarap.
"Para saan pa? Sa palagay mo ba mababago ng mga pag-amin mo ang sakit na naranasan ko noong iwan mo ako? Hindi na, totally moved on na ako Arthur. Masaya na ako kay Terence kaya pakiusap lang, tigilan mo na ako." halos mawalan ako ng hininga matapos ko sabihin yun.
Ang lahat ng sakit, ang lahat ng hinanakit muli kong nararamdaman. Bakit ba kasi niya ako ginugulo kung kailan iba na ang mahal ko saka siya nagsasalita ng mga ganito.
Iniwan ko siya dahil hindi ko na kaya pa. Tangina lang. Parang pinasuklaban ako ng langit at lupa. Ang hirap ng ganito. Naghahalong galit at awa ang nararamdaman ko kay Arthur. Kahit siguro ano ang mangyari, may taktak na siya sa puso ko.
Pagkarating ko sa bar ay nabigla ako noong nakita kong nakalabas lahat ng gamit ni Norie. At si Norie nakita ko na nakaupo sa mga gamit sa labas.
Naiiyak ko siyang nilapitan. Humihikbi din ito.
"Norie? A-anong nangyari? Ba-bakit nakalabas ang mga gamit natin?" mangingiyak-ngiyak kong tanong sa kanya.
Hinarap niya ako. "Aina, wala na lahat, matagal na lugi ang bar. At ngayon, naibenta ko na ito.
Pasensya na at pati ikaw nadamay." pahikbi niyang tugon.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Wala na lahat. Ang trabaho, ang bahay, wala na lahat. Parang gusto ko na lang magpatiwakal.
Muli akong hinarap ni Norie. "At anumang oras, dadating na ang mga pulis, para arestuhin ako." malungkot niyang sabi.
Nabigla ako muli sa sinabi niya. "Bakit? Ano ba ang kasalanan mo? Hindi!" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya ng mapakla "Matagal na expired ang prankisa ng bar natin. Sa totoo lang peke naman talaga ang prangkisa nito. Ngayon, makukulong ako dahil nadiskubre nila ito." at muli siyang umiyak.
***
"Norie Larazabal, inaaresto ka namin sa kasong pandaraya. Kung ano mang apela mo ay sa presinto mo na lang sabihin. Binigbigyan ka din namin ng karapatan na kumuha na iyong abogado." tugon ng pulis kay norie. Pinosasan nila ang bestfriend ko. Tanging hikbi at pag-iyak ang nagawa ko habang inaaresto siya.
"Aina, heto dalhin mo ito." at binigay niya ang limang libo sa akin "humanap ka ng tutuluyan mo, gamitin mo ang mga peran iyan. Mag-iingat ka ha" tugon nito bago siya ipasok sa police mobil. Tanging iyak lang ang naisagot ko habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ng mga pulis.
Kahit anong gawin kong mabuti talagang hindi ako nilulubayan ng kamalasan sa buhay. Bakit kung kailan masasabi ko na masaya na ako, tsaka naman ako hahatakin muli pababa ng tadhana.
Pinulot ko ang mga gamit ko at matapos nun ay naglakad palayo sa bar. Mamaya ko na pupuntahan si Norie, hahanap muna ako ng matutuluyan. Alas nueve pa lang naman ng umaga kaya maghahanap muna ako sa malapit.
Bago pa ako lumiko sa may kanto ng isang barangay ay may humintong sasakyan sa tabi ng kinatatyuan kong kanto. Nagbukas ang salamin nito.
"Get in the car." malamig na tonong utos sa akin ni Arthur.
Inirapan ko siya "At bakit ako sasakay diyan?" pagpaparinig ko.
"I said get in the car, we need to talk" at inirapan niya ako. Manigas siya diyan.
"Ayaw!" at muli akong naglakad palayo. Hindi pa man ako nakakalayo ay siya naman pagsunod sa akin ni Arthur.
"Kung ayaw mo sumakay ako ang magsasakay sayo!" at walang habas niya akong binuhat. Buhat niya ako na parang bride style.
"Ano ba, Arthur bitiwan mo ako!" at pinagpapalo ko siya. Bakas sa damit niyang suot ang magandang hubog ng braso niya. Kita ko din ang mga nag-iigting niyang panga na mas lalong nagiging cute kapag ginagalaw niya.
Isinakay niya ako sa kotse at pinaharurot ito. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
Takot ang namumuo sa mga ugat ko. Paano kung gahasain niya ako?
Omy!!! Terence, help!
Arthur's Point of View
Narating na namin ang bahay ko. Hindi pa din niya ako iniimikan kanina pa. Bakit ba naman kasi ang kulit ng babae na ito! Tss.
"We're here" sabi ko sa kanya. Hindi pa din niya ako pinansin. Lumabas ako ng kotse at pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Ano ba kasi ang kailangan mo sa akin Arthur? Bakit ba dinala mo ako dito?" sabi niya mula sa loob ng kotse. Lumuhod ako sa harap ng pinto ng kotse para makita ko na buo ang mukha niya.
"Diba, wala kang matitirahan? Wala ka din sigurong mahanap na space dahil kulang ang pera mo!" tugon ko sa kanya.
Kumunot noo siya at inirapan ako. "Kung dinala mo lang ako dito para laitin at kutyain, pwes panalo ka, at oo wala na akong matitirahan at lahat, nawala na! O masaya ka na? You heard it already." pasigaw niyang sabi. "Kaya please lang lubayan mo na ako!" at akma na siyang aalis nang hinablot ko muli ang damit niya.
"I'll give you shelter, pwede ka tumira dito sa akin anytime." sabi ko sa kanya.
Hinarap niya ako na nakapameywang pa. "Pagkatapos, aalilain mo ako? Sayo na bahay mo, salamat sa malasakit mo ha!" at muli siyang nagtangka na umalis at this time hinila ko siya ng mas malakas.
"Hindi kita aalilain, Aina. Alam mong hindi ko iyon magagawa sayo. Mahal kita at gagawin ko lahat para sayo. Hindi ako katulad ng boyfriend mong hindi ka kayang panindigan!" sabi ko sa kanya.
Naningkit ang mga mata niya sa sobrang galit sa akin. "Huwag na huwag mong ikukumpara ang sarili mo kay Terence, dahil kumpara naman sayo, mas gentleman siya. Atsaka, anong hindi kayang panindigan? He'll going to marry me pag balik niya. It's just six months away." at dinuro niya ako.
Medyo masakit yun ha? Totoo bang papakasal na siya? Pero bago niya iyon matupad, i have to use her first for my plans.
"Oh sige, pakasal kayo. Pero kung wala ka munang matitirhan, dumito ka muna. Ayokong nakikita kang pagala-gala diyan sa daan baka pagsamantalahan ka ng mga lasing diyan sa kanto." muli kong pangungunbinsi sa kanya.
"Bakit ba? Bakit mo ba gusto akong tumira diyan?" muli niyang tanong
"Be my secretary, I'll pay you big." at nakita kong sumilay ang mga ngiti sa labi niya.
"Sige, pero sa isang kondisyon" at mas lalong sumilay ang ngisi sa mga labi niya.
"Ano?" muli kong tanong
Ngumiti siya
"Dance, duck dance!" masaya niyang tugon
Tuso ka talaga Aina. Akala mo hindi ko papatulan. Mapapa-saakin ka din. Ikaw lang ang naiisip kong makakasagot sa problema ko. I'm sure you'll never regret your stay here. I'll make your life a living heaven!