Warning: Rated SPG Elaina's Point of View Nagising ako sa mga sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto. Iminulat ko ang aking mga mata sa pag-aakalang may magnanakaw rito. Agad akong lumabas ng kwarto at bumungad sa akin si Aling Feliza. "Hay, buti naman at nagising ka." alalang turan niya. Bakas sa aking mukha ang pagtataka kung bakit at ano ang dahilan kung bakit siya ganito umasta. "Bakit po? Ano po bang nangyari?" tanong ko. Wala akong ideya kung anong nagaganap ngayon. Sasagot na sana siya noong makarinig ako ng sigaw mula sa baba. Teka, si Arthur ba iyon? "Kasi, 'yan si Sir Arthur, lasing hinahanap ka." alalang pakli ng matanda. Agad naman ako bumaba para tignan kung napano na si Arthur. Nabigla ako nung makita ko siya na halos halundusay na at walang ng damit pang-itaas. N

