Elaina's Point of View Kinaumagahan, maaga akong gumising gawa na din na may pupuntahan ako. Dadalawin ko si Norie sa piitan. Nais ko sanang ipaalam sa kanya ang kalagayan ko ngayon. Alam ko na nag-aalala na yun sa akin. Pagbaba ko sa hagdan ng bahay ni Arthur ay naabutan ko siya na nakaupo sa couch ng sala, nag-kakape. "Good Morning!" bati ko sa kanya Seryoso siyang tumingin sa akin. Kita ko ang medyo magulo niyang buhok, pero it really fits him. Hinawi niya ito kasabay ng tingin niya. "Good Morning din" balik tugon niya. Itinuon niya ang sarili niya sa tasa na hawak niya. Medyo parang hindi maganda ang timpla niya, at tila namumutla siya. Wala akong alam pagdating sa mga ganyang pagpapakita ng mga lalaki. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nais nila. I didn't mind na lan

