Chapter Three: Sapak gusto mo?

933 Words
AMBER "Aray! Dahan dahan naman bossing Amber. Maging babae ka naman kahit sa pang gagamot lang ng sugat... ARAAY!" Lalo ko ngang diniinan. Loko kasi 'tong si James eh. Nakipagsuntukan daw sabi ni Mark. Hindi na talaga 'to na dala. "Kasalanan mo naman kung bakit ka nagkasugat eh. Sapakin kita, e," inis na sabi ko. Diniinan ko ulit. "Ayan ang napapala, matuto ka kasi humanap ng kaharap mo," nang-aasar na sabi ni Mark. "Yeah right. Kainis talaga, makakaganti rin ako sa gumawa sa akin nito. Naku, pasalamat talaga ‘yun," sagot naman ni James sabay tingin nang masama kay Mark. Pansin ko kanina pa 'to nag paparinigan ah. "Hoy! Umamin nga kayong dalawa. Ano ba talaga nangyari kay James?" Tanong ko. "Wala naman, ikaw naman masyado kang tamang hinala," sagot ni Mark/ "Oo nga, Amber. Tamang hinala ka eh," sabi naman ni James. Iniayos ko na ‘yung first aid kit. Biglang sumama ‘yung pakiramdam ko, hindi ko alam kung bakit. "Mauna na ako. Sumama ‘yung pakiramdam ko, e," paalam ko. Tumayo si Mark. "Hatid na kita?" Alok ni Mark. Umiling ako. "Wag na, kaya ko naman, e." Iniwan ko na siya sa sala nila James. Bakit kaya sumama ‘yung pakiramdam ko? Siguro dahil hindi ako tinigilan kanina sa school. Takte! Tampulan kami ng usapan ni Ethan Logan Parker na yun! Letchugas, hindi ba nila maintindihan na hindi kami bagay nung bakla na yun! Ay, erase erase. Lalaki pala. Nag promise pala ako na hindi ko na siya aasarin na bakla. 'No ba yan, ang bait mo Amber, ikaw ba yan? Tse, ano ba yan kinakausap ko sa sarili ko. Pero nahihilo na ako, hindi ko na ata kayang mag lakad. Feeling ko babagsak na ak... "Nasaan ako?" Hindi ko naman 'to kwarto. Ang huli kong naaalala nahilo ako do’n sa park malapit kila James. Tumayo ako, pero ‘yung ulo ko sobrang sakit. Feeling ko binibiyak. "Oh, gising ka na pala. ‘Wag mo munang piliting bumangon," sabi ng isang lalaki. "Anak ka ng tipaklong! Logan?" Nagulat talaga ako sa bakla, ay lalaki na 'to. Bigla na lang linuwa ng pinto. "Nasaan ako?" "Nandito sa bahay naming," sagot niya. Bahay daw nila? Ano’ng ginagawa ko dito? "Bigla kang na out balance do’n sa park malapit kila James, buti na salo kita. Kundi baka bagok na ‘yang ulo mo." "Ah, salamat ha? Teka anong ginagawa mo sa park?" Nagtatakang tanong ko. "Ah, susunduin ko kasi ‘yung pamangkin ko do’n, sakto nakita kita," sagot niya. Lumapit siya sa akin, tapos inayos ‘yung kumot ko. "Sige na, mag pahinga ka pa. Sabi nung doctor kailangan mo daw ng maraming pahinga." "Bakit naman? Wala naman akong sakit," sagot ko. Dinampi niya ‘yung likod nung palad niya sa noo ko, ‘yung para bang chinecheck kung may lagnat ba ako o wala. Parang kinilabutan ako nung dumikit ‘yung kamay niya sa akin. Ayan na naman ‘yung kuryente. Ano bang nangyayari sa akin? "Wala ka ngang lagnat, sabi nung doctor baka masyado ka lang madaming iniisip." Bumukas ‘yung pinto tapos may pumasok na maliit na babae, hindi naman totally maliit mga nasa 12-13 years old na. Ang cute niya, langya. Na nakaw ata puso ko. Tumingin ‘yung bata, may dala pala siyang tray na may soup ata. "Uncle gising na po pala si Ate," sabi nito tapos ngumiti siya sa akin. Tae naman oh, ang cute niya. Teka, uncle? Siya ‘yung pamangkin ni Logan? "Hindi "ate" yan, Jaimee. "Kuya" kuya ang itawag mo d’yan." Lumapit na si Jaimee, tapos inilapag ‘yung tray sa night stand sa tabi ng kama. "Ikaw talaga, uncle. Sige ate kainin mo ‘yan ah? Si Tita nag luto niyan." Lumabas na siya ng kwarto. Sinundan ko ng tingin si Jaimee. "Hoy! Hindi puwede ‘yang pamangkin ko ha. ‘Wag mo nang ituloy yang pinaplano mo," sabi niya sabay pitik sa noo ko. "Logan, na in love ata ako sa kanya," sabi ko. Hindi ko mapigilan na hindi mangiti. "Sapak gusto mo?" Alok niya sa akin. Ang init naman ng ulo ni Koya. Ay potek bumalik si Jaimee? Inayos ko ‘yung buhok ko. Syempre para kahit may sakit may pogi points. Aw~ Basag ang iniimagine ko. Hindi si Jaimee ‘yung pumasok. "Gising ka na pala," sabi nung babae. Medyo middle aged woman. Nag nod lang ako, tapos lumapit siya sa kama. "Girlfriend ka ba ni Ethan? Fiancee? Nililigawan? Ano sabihin mo? Daliiii,” parang batang sabi niya, sobrang excited. "Hindi po," natatawang tanggi ko. Biglang na lungkot ‘yung expression nung babae. "Ate Jessica, ano ba talagang ginagawa mo dito? Magpapahinga pa ‘yung bisita ko. Hindi mo ba nakikita?" Mataray na tanong ni Ethan. "Tinawag mo pa akong ate, kung tarayan mo naman ako eh akala mong mas matanda ka sa akin," nakapout na lumabas ‘yung ate niya. Natawa naman ako do’n. Ang kulit. "Tigilan mo ‘yang kakatawa mo d’yan, matulog ka na lang ulit," utos niya. Ang sungit talaga, hindi nga kaya mayroon 'tong dalaw ngayon? "Uuwi na lang ako, nakakahiya naman kasi, e," sabi ko, tatayo na sana ako ng pinigilan niya ako. Binaba niya ‘yung likod ko sa kama. "Hoy! Bakit ka nakahiga rin?!" "Para siguradong hindi ka aalis d’yan, at makakapagpahinga ka." Hindi ko alam,pero parang nawalan ako ng lakas makipagtalo sa kanya nung naramdaman ko ‘yung katawan niya sa tabi ko. Humaygawd. Wala naman siguro gagawin sa akin 'tong masama 'di ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD