Chapter Two: Bad vibes.

1418 Words
ETHAN Feel so good to be back, namiss ko 'tong school ko. Isang taon din akong nahinto sa pag aaral. Dapat 1st year college na ako ngayon, sayang talaga ang isang taon. Pinapunta pa kasi ako sa America, e. Ay, kilala niyo na ba ako? Oo? Paano? Ah, sabi ko nga. Dapat sa akin niyo tinatanong ang mga tungkol sa akin, para walang dagdag bawas sa impormasyon. Ako si Ethan Logan Parker, 17 years old. 4th year high school. May tatlo akong kapatid na babae. Ako ang bunso sa aming apat. At higit sa lahat. Maganda ako. Okay? Tandaan niyo ‘yan. Maganda ako. Pero syempre hindi niyo puwedeng ipagkalat yun, kasi kayo lang ang sinabihan ko no’n. Guwapo ako sa paningin ng iba. Nakakadiri man pakinggan no choice ako, baka itakwil ako ng pamilya ko pagnalaman nilang bakla ako. Hindi naman nila ako masisisi since lumaki ako kasama ng tatlo kong ate. Hay, ang hirap mag pretend. "'Tol ano masasabi mo kay Amber? Ang ganda niya 'no?" Eto nakakaimbyerna, grabe talaga. Sa dami ng magugustuhan nitong best friend ko na si Mark. Tomboy pa ang napusuan. Ang dami namang magandang babae na nagkakandarapa sa kanya. Pag-ibig nga naman. Nakakadiri. "Pare sure ka ba talaga do’n? Tibo ‘yun ‘di ba?" "Oo naman, matagal na. Kaya ko nga pinakilala sa iyo kasi mag papatulong ako," sabi niya na abot tenga ang ngiti niya. “Tulong? Tulong saan? Sa panliligaw?" Taas na kilay na tanong ko. "'Tol iba na lang lapitan mo, wala rin akong experience d’yan," tanggi ko. Dahil ako ang nililigawan, hindi ako ang nanliligaw. "Parang hindi naman tayo mag best friend niyan," sabi niya na tila ba nag papaawa. Drinamahan pa ako. "Ang drama mo pa din kahit kailan. Sige na sige na. Ano ba maitutulong ko?" Pilit na tanong ko. Bumalik na ang ngiti ng loko. Ang guwapo niya talaga. Kaya lalo akong nababakla, e. Pero hindi ko siya gusto ng more than friends. Friends lang talaga kami. Promise. "Tulungan mo ako gumawa ng love letter, tapos lagay mo sa locker niya," excited na sabi niya. Love letter? Uso pa ba yun? Baduy, yuck. "Ang corny mo naman, laos na ang love letter, pare. At saka tutulungan na nga kitang gumawa ako pa mag lalagay? Abusado ka naman," reklamo ko. "Akala ko ba tutulungan mo ako? Bakit ka nag rereklamo?" Malungkot na tanong niya. Ay, bwisit! Sarap mong sabunutan. Pasalamat ka at best friend kita. Kundi lagas na ‘yang mga hair mo kanina pa! "Fine. Fine. Kumuha ka na ng ball pen at papel. Simulan na natin yan," pilit na pilit na sabi ko. "Classmate mo siya hindi ba?" Tanong niya. Ay, oo nga pala, kaklase ko nga pala ‘yung tiboyish na iyon. Kaloka, hindi talaga niya ako pinapansin. BV daw ako. Hindi ko naman alam ‘yung meaning nung BV na ‘yun. Buset. "Yup. Ano’ng meaning ng BV, Mark?” Tanong ko. "Bad vibes," natatawang sabi nang sumagot. Anak ka ng tipaklong, bigla na lang sumulpot 'tong si Amber. Isa pa'to, e, ang sarap sabunutan. "BV lang pinagtatanong mo pa meaning. Corny mo 'tol," walang ganang sabi niya. "Hindi ko hinihingi ang opinyon mo," walang gana ring sagot ko. "Ang sungit nito, mayroon ka, Koya?" natatawang tanong niya. "HAHAHA,” sarkastiko kong tawa. “Nakakatuwa. Grabe, dumudugo ang ilong ko sa kacornyhan mo," sabi ko. Pilit na ngumiti siya. "Bad vibes ka talaga, alam mo ba ‘yun? Feeling ko may something sa iyo, e. Bakla ka ba?" Diretsong tanong niya. Ang lakas ng pakiramdam niya. Kainis, baka mahuli ako nito. "Lalaki ako, halikan pa kita d’yan, e,” hamon ko sa kanya. Kadiri, saan nanggaling ‘yung idea na halikan? Eww. "Hoy! Ethan! Anong halik?!" Gulat na tanong ni Mark. OA naman ni BFF. As if naman gagawin ko talaga. "Don't worry, Mark. Hindi ako pumapatol sa kapwa lalaki. Ayun, kung lalaki nga talaga siya," sabi ni Amber sabay kibit-balikat. "Nakakalalaki ka na talaga. Mag kaliwanagan nga tayo,” umayos ako nang tayo at tinitigan siya, “May gusto ka ba sa akin? Feeling ko kasi nag papapansin ka lang sa akin, e." "Asa k..." may biglang tumulak sa akin. At shoot. Na-halikan ko siya. PATAY. AMBER "Asa k..." at shoot hinalikan ako ni Ethan! Tinulak ko siya at sinuntok sa mukha. "Gago ka! Bakit mo ako hinalikan?!” Galit na tanong ko. "As if naman gusto talaga kita halikan! May tumulak sa akin kaya kita nahalikan, hindi ako pumapatol sa tomboy!" Depensa niya. Susuntukin ko sana ulit siya ng pumagitna na sa amin si Mark. "Tama na. Tigilan mo na siya Amber, dumudugo na ‘yung gilid ng labi niya oh,” awat ni Mark, “Dapat si James ang gantihan mo siya ‘yung tumulak kay Ethan.” May sinabi pa siya, pero hindi ko na naintindihan. Binatukan ko si James. "Tarantado ka! Ginagago mo na ba ako ngayon?! Bakit mo ginawa ‘yun?!" Sinuntok suntok ko sa braso si James. "Bossing naman, hindi ka na mabiro. Ang cute niyo nga kanina, e. Bagay kay... Aray!" binatukan ko nga ulit. Tss. "Ulitin mo pa ‘yun, lagot ka talaga sa akin!" Nilapitan ko si Ethan, ayun mukhang na trauma na sa akin, biglang lumayo. "Oi! Mag sosorry lang ako." Hindi niya ako pinansin, tinitignan niya lang sa salamin ‘yung sugat sa gilid ng labi niya. Bigla naman ako na konsensya. "Promise, hindi na kita aasarin na bakla." Tinignan niya ako ng masama. Ako naman ngumiti ng parang anghel. "Dapat lang, dahil hindi naman talaga ako bakla. Pasalamat ka, kahit tibo ka. Babae ka pa rin, kaya hindi kita gagantihan sa pag sira sa mukha ko," medyo inis na sabi niya. "Sorry na nga,” lumapit ako sa kanya, tapos inabot ko ‘yung kamay ko sa kanya. "Friends?" Tanong ko. Parang nagdadalawang isip pa siya kung aabutin niya ba ‘yung kamay ko o hindi. "Fine, friends," pilit na sagot niya. Inabot na niya ‘yung kamay ko, kaya lang bigla kaming napabitaw agad. Parang may kumuryente sa akin nung nagdikit ‘yung mga kamay namin. Gano’n din siguro ‘yung naramdaman niya. Bigla kaming nag katinginan. "May kuryente ka ba?" Sabay na tanong namin. "Yiiiee. Sabay pa sila oh?” Singit ni James. “Ang cute niyo talaga. Bagay nga kay... Aray!" Ayan, kung anu-ano kasi sinasabi mo eh, nabatukan ka tuloy ni Mark. "Tumahimik ka nga! Tara sa likod ng school, may kasalanan ka sa akin," galit na hinatak ni Mark si James. Ano’ng kasalanan kaya yun? "Lagot kang James ka," nakangising sabi naman ni Ethan. "Ano’ng gagawin ni Mark kay James?" Tanong ko. Nagsmirk siya at saka tumingin sa akin. "Secret. Basta kung ako sa iyo, hindi ako susunod do’n. Sige alis na ako. May klase pa tayo, e," naglakad na siya palayo. "Hindi ba natin hihintayin si James?" Tanong ko. Kaklase din kasi namin ‘yun. "Papasok naman ‘yun, malelate lang," sabi niya. Tinignan ko ‘yung tinahak na daan nila Mark, susundan ko ba? Feeling ko may hindi magandang mangyayari. Ano ba kasi kasalanan ni James kay Mark? Nakakaloko naman sila. "Oi! Sabi ko sa iyo, ‘wag mo nang balaking puntahan ‘yun. Una na ako." Akala ko ba mauuna na siya? Ano pa’ng ginagawa nito dito? Inunahan ko na siyang maglakad papuntang room. Habang naglalakad kami, pinagtitinginan kami ng mga tao. "Amber? Kayo na?" Tanong ng kaklase ko pagdating naming sa room. Bigla akong natawa. Papasok na lang ako sa room may nagtanong pa. Ayun pala yun. Kaya pala kami pinagtitinginan. "Hindi, hindi ako pumapatol sa kapwa lalaki. Gusto mo tayo na lang?" Tanong ni Logan. Ibang klase din 'tong lalaki na 'to, e. Hindi naman siya ‘yung tinatanong siya ang sumasagot. ‘Yung babae naman, nakindatan lang muntik pang himatayin. ‘Di hamak naman na mas guwapo ako rito sa Ethan na 'to. Hindi ko na pinansin ‘yung landian– I mean– usapan nilang dalawa, pumasok na kaagad ako sa room. Napasinghap sila nung paghakbang ko sa loob ng room. "Ano’ng problema niyo?" Nagtatakang tanong ko. Nakatingin sila sa likuran ko. Tinignan ko rin kung ano mayroon sa likuran ko. Oh, si Ethan lang naman 'to ano’ng problema nila? Tumayo si Ms. President namin. "Masakit man sa aking kalooban, pero..." huminga siya ng malalim, bago nag patuloy. "Bagay kay..." "HINDI!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD