Prologue
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa campus, transferee ako dito sa school na ito, alam kung sikat din
Hi ako nga pala si Kaythelyn Agatha De leon, 17 years old, grade 12, galing akong probinsya, actually dati pa kami nakatira dito
"Room 201 history, ikaw?"sabi ko dito.
"Great, magkatabi lang tayo ng room sa first subject, Science sa akin eh,let's go"sabi nito sa akin at nagpauna sa paglalakad, sumunod naman ako sa kanya.
Halos tumakbo na kami dahil sa pagmamadali, pagdating ko sa room agad akong pumasok, nagpaalam na kami ni Yvonnie sa isa't isa, sabay nalang daw kami mag lunch mamaya.
"Sorry sir if i'm late"paumanhin ko pagpasok.
"It's ok, take your sit"utos nito sa akin, naghanap naman ako ng upuan, at nakita ko sa dulo na walang nakaupo, napatingin sa akin lahat ng studyante pagkaupo ko, kaya nahiya ako.
Nasa kalagitnaan kami ng pagpapakilala, ng biglang bumukas ang pinto, at uniluwal ang dalawang lalaki, na mukhang badboy.
"Mr. Forester at Mr.Castañeda, you are 30 minutes late"saway ng teacher namin dun sa dalawa, pero nagpatuloy lang sa paglalakad yung isa.
"Mr.Forester, i'm not done talking to you yet!"sigaw nito dun sa forester daw, pero parang wala ito narinig.
"I'm sorry prof. If we're late, pagpasensyahan nyo na po si Ezekiel"sabi nung isang naiwan, na mukhang mabait.
Pero teka, ezekiel? Parang familiar sa akin yung name na yun, pero ewan.
Biglang may may tumayo sa harap ko, kaya napatingin agad ako doon, yung ezekiel pala, nakakatakot sya, ramdam mo ang cold sa personality nya,itinaas nya ang isang kilay habang nakatingin sa akin.
"B-bakit po?"kabadong tanong ko sa kanya.
"Your freshmen,right?"biglang tanong nito sa akin.
"Y-yes po"kabadong ulit na sabi ko.
"What your name?"sabi nito sa akin.
"K-kaythelyn Agatha D-de leon po"utal utal na sabi ko.
Bigla naman syang nagulat sa sagot ko sa tanong nya sa akin, bakit kaya, pero agad din bumalik sa dati at unti unting sumama ang tingin sa akin.
Bakit ba ako natatakot sa lalaking ito, hindi ako pinanganak na mahina no,pero pagdating sa lalaking to bakit nanginginig ang tuhod ko.
"Get out, that's my chair"english na sabi nito sa akin.
"Bakit marami pa namang upuan ah? Ayon oh, iyon pa, doon meron dun, ayon pa"turo ko sa mga bakanteng upuan ko, pero lalong dumilim ang araw nya, pero hindi ako aalis sa upuan na to, ako dito eh.
"Ezekiel, bakit di ka na umuupo?"biglang tanong nung lalaking kasama nya paglapit sa amin, napatingin sya sa akin, inirapan ko sya, lumalabas na naman ang pagkamaldita ko.
"I said get out, that's my chair, are you deaf or sadyang tanga lang?"inis na sabi nito sa akin, bakit ba lahat nalang ata ang init ng ulo sa akin.
"Ezekiel, tama na, marami pang namang bakanteng upuan eh"sabi nung kasama nya, buti itong isa hindi makulit.
"No"sabi nito sa akin at sinamahan ako ng tingin.
"Ezekiel, please wag ngayun"sabi nung kasama nya ulit.
"Ok fine!"inis na sabi nito, at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko,at yung isa naman ay sa kabilang side ko, doon ko lang napagtanto na halos lahat ng tao dito sa room at nasa amin ang tingin, at ang sasama ka ng tingin sa akin.
"Don't mind them"biglang may nagsalita sa tabi ko, napatingin ako doon at nakita ko ang lalaking parang ang angel ang mukha, napaka amo at napaka inosente.
Ngumiti ito sa akin na ikinalaglag ng panga ko, dahil napaka gwapo nyang gumiti, para akong lumulutang sa ulap.
"Ehem!"biglang may gumanun sa tabi ko kaya napatingin naman ako doon na masama ang tingin sa akin.
Para tuloy ako nasa gitna ng angel at devil,dahil yung isa parang anghel ang kagwapohan, ang isa naman devil na gwapo pero napadilim ng aura.
"Miss, what your name?"biglang sabi naman sa akin nung mabait na angel kaya napangiti ako doon habang kumikinang ang mga mata ko.
"I'm Kaythelyn Agatha De leon, my guardian angel"wala sa sarili kung kung sabi.
"What the fvck, guardian angel? Are you dumb?"biglang mura naman sa kabilang side ko, tumawa naman yung isa mukhang angel sa isang side ko, inirapan ko nalang ang devil na nasa kabila ko at humarap sa mukhang angel na nasa kabilang side ko habang tumatawa.
"HAHAHA,by the way i'm Ethan Dave,you can call me ethan for short"sabi nito sa akin at ginulo ang buhok ko habang nakangiti sa akin"your so cute"saad pa nito na ikinapula ng pisngi ko, s**t. Crush ko na ata itong lalaki na ito.
"Shut up ethan!"bigla naman sabi ni ezekiel sa kabilang side naman
Hindi ko nalang pinansin ang dalawang nasa side ko,at nakinig sa turo ng teacher.
May pinasagutan doon kaya agad akong nagtaas ng kamay para ako ang sumagot sa bored, about history yun, medyo mahilig kase ako sa hestory eh.
Agad ako sinawag ng teacher kaya tumayo ako para sumagot sa board, nung maglalakad na ako, bigla magtumisod sa dadaanan ko kaya napasalapak ako sa sahig.
Narinig ko ang tawanan ng mga classmate ko, kaya hiyang niya ako tumayo, bigla namang may tumulong sa akin.
"Are you ok, kaythelyn?"sabi ni ethan habang sinusuri kung may sugat ba ako o ano.
"Wala ok lang ako"sabi ko at nagpatuloy parin sa pagpunta sa board para sumagot.
"Ok, Ms. De leon Very good"pag puro sa akin nung prof at ipinaliwanag ang sinagot ko, naglakad na ako pabalik sa upuan ko,habang nakatingin sa devil na nasa tabi ng upuan ko, alam kung sya ang gumawa nun.
Nakipagtitigan ako sa kanya, habang sya naman ay nakangisi,ano bang problema ng lalaking ito sa akin.
Uupo na sana ako ng bigla naman ako bumagsak ulit sa sahig, s**t sakit ng balakang ko.
Bigla kase may humila ng upuan ko palayo,narinig ko na naman ang tawanan ng mga classmate ko.
Hindi ko inexpect na ganito pala ang madadatnan ko sa first day ko dito.
"Ezekiel itigil muna"suway sa kanya ni ethan, at tinulungan ako tumayo, pero winaksi ko lang yung kamay nya para tulungan ako.
"Kaya ko"sabi ko habang pilit, tumatayo, pero hindi ko talaga kaya dahil sa sakit ng balakang ko, naiiyak na ako sa sakit.
"Mr. Castañeda, anong nangyayari dyan?" biglang tanong ng teacher namin.
"Nothing sir"sabi ni ethan,pinilit kung tumayo ulit, habang nakaalalay lang sa akin si ethan.
"Are you ok, kaythelyn?"sabi ni ethan, sinamaan ko sya ng tingin, wala akong paki kung cursh ko palayo sya, basta naiinis na ako.
"Ano bang problema mo? Wala naman akong ginawa sayo diba?! Kung upuan lang yung ikinagagalit mo sa akin, ayan iyong iyo na! Isaksak mo na dyan sa ngala ngala mo, bweset!" inis na sabi ko sa kanya, at pilit hindi indahin ang sakit ng balakang ko.
Biglang nagring ang bell, kaya agad naglabasan ang mga studyante at yung iba ay napapatingin pa sa amin.
"Di ba ayan ang gusto mo, yan na, ipapaubaya ko na sayo, kawawa ka naman kase mukhang ikakamatay mo pag hindi nakuha yang upuan na yan eh"sabi ko sa kanya at inilapit sa kanya ang upuan na gusto.
"Kaythelyn, please wag mo na sya ng galitin"sabi ni ethan sa akin.
Tumingin lang ako kay ezekiel na sobrang dilim na ng aura, tumayo sya at itinumba ang upuan na gusto nya,lumapit sya sa akin, pero agad hinirangan ni ethan.
"Ezekiel, wag na please"sabi nito kay ezekiel.
"Umalis ka ethan"banta nito kay ethan.
"No"matigas na sabi ni ethan.
"Wag mong hintayin na ethan na masaktan kita, umalis ka sabi!" sabi nito kay ethan at hinawi sa harap ko, tumingin ito sa akinna sobrang dilim ng aura.
Agad nangatog ang mga tuhod, paunti unti itong humakbang pa lapit sa akin, kaya napaatras naman ako,hindi ko namalayan na may upuan sa likod ko para harangan ako sa pag-atras.
Bumilis ang paglalakad nito palapit sa akin na parang susugurin ako, kaya napaupo nalang ako sa sahig, at napapikit.
Pagmuklat ng mata ko, nakita kong nakaluhod ito sa akin para magkapantay kami, hinawakan nito ang panga ko, na sobrang sakit na pagkakawak nya,napapikit ako dahil sa sakit nun.
"You know what, sobrang naiinis ako sayo, sana hindi ka nalang dumating"sabi nito sa akin at padabog na binatawan ang panga ko na sobrang sakit.
"I'm sorry kaythelyn"rinig kung sabi ni ethan.
_______________________