Chapter 4

2168 Words
Ethan's POV ] Sinundan ko si ezekiel paglabas nya sa cafeteria, masama ang kutob ko sa nangyari sa kanya, umiepekto na yung allergy nya sa chocolate. Pero bakit nya ba kase kinain yung chocolate cake, kung alam nya namang allergy sya. "Pre ayos kalang ba?"sabi ko ng maabutan ko ito, humarap ito sa akin na halatang hindi makahinga. "Wait, tatawag na ako ng ambulance"sabi ko at dial ang number ng hospital. Pagkatapos kung tumawag nakita ko nalang sya na unti unting natutumba. "Pre, wait lang, dadating narin ang ambulance, bakit kase kinain mo yung chocolate cake alam mo naman di bang allergy ka dun"nagpapanic na sabi. Unti unti na itong hindi makahinga kaya lalong nadagdagan ang kaba ko. "Pre, wag ka munang matutulog, pre gising lang"sabi ko pilit pinipigilan ang pagtulog nito. Nagulat nalang ako ng bigla nyang hawakan ang pisngi ko, ano ba naman to si ezekiel, mamamatay nalang may pagnanasa pa sa akin,hinimas nya ang pisngi ko, at may sinasabi na hindi ko maintindihan. "M-m-matagal.... K-kitang h-h-hinin.....tay.... K-k-kaythe........"hindi ko na maintidihan ang huling sinabi nito na parang may tinawag na pangalan pero hindi ko maintindihan, hanggang sa tuluyan na itong natulog. "Oyy pre, gising!, wag kang ganyan!"sabi ko at tinatapik ang pisngi nya, sobrang kaba ang nararamdaman ko. "s**t masama to!Tulong, tulongan nyo kami!"sigaw ko nagbabakasakaling may anghel na tumulong sa amin. Buti nalang at may guard na nakakita sa amin. "Kuyang guard tulongan mo ko!"sigaw ko at lumapit naman agad sya. "Anong nangyayari dito?"tanong nito. "Wag ka ng maraming tanong! Tulungan mo nalang ako! Dalhin natin sya sa ospital!"hindi ko mapigilan mapasigaw dahil sa panic at kabang nararamdaman ko. Dali dali kaming pumunta sa parking lot habang nanginginig ang kamay ko dahil sa kaba, agad kung pinaharurut ang kotse ko papuntang hospital. "Ezekiel hold on"sabi ko, at mas binilisan ang pagdadrive. Pagdating namin sa hospital, sinigawan ko ang mga nurse dahil sa dami ng tanong nila sa akin, kesyo ano daw nangyari,kaya hindi ko mapigilan ang masigawan sila. Pagkapasok sa emergency room ni ezekiel agad akong umupo, at saka dinial sila van at yenjie. "Hello pre, what happen?"sagot ni van sa tawag ko. "Nasa emergency room si ezekiel"sabi ko at napahilamos sa mukha ko. "Saang hospital yan?"tanong ni van. "Dito sa hospital namin"sabi ko, agad naputol ang tawag. Dial ko din si yenjie. "Hello dude,kamusta?"walang emosyon na sabi nito. "Andito kami sa hospital namin, nasa emergency room pa si ezekiel"sabi ko sa kanya. "Ahh ok, magiging ok din yun, ang masamang d**o, matagal mamatay"sabi nito sa akin, napailing nalang ako. "Sige pupunta nalang ako dyan"sabi nito at saka pinatay ang tawag. Bakit nya ba kase kinain pa yung chocolate cale, gusto nya bang mamatay ng maaga, sabihin nyang ako na papatay sa kanya bweset sya. Naglalakad lakad ako sa harap ng emergency room, at hinihintay ang kalagayan ni ezekiel, maya maya pa biglang dumating na yun dalawa. "Dude, anong balita?"sabi ni van. "Wala pa nasa emergency room parin sila at yung mga doctor"sabi ko at saka umupo, umupo rin yung dalawa sa tabi ko, at biglqng naman may tumapik sa akin. "Wag ka ngang masyadong magalala, magiging ok din ang lahat, at saka isa syang forester, ang masamang d**o, matagal mamatay, dude"sabi ni yenjie sa akin. "Oo nga, ano ba naman kaseng katangahan ang naisip ni ezekiel at kinain nya yung chocolate cake, gusto nya atang mamatay ng maaga, magsabi lang sya ako na tutuloy nun"sabi ni van. "Grabe ini stress nyo ang kapogian ko, buti nalang hindi nababawasan ang kagandahang lalaki"dagdag pa ni van kaya sabay namin sya binatukan ni yenjie si van. "Mas mabuting pang magpalit nalang kayo ng posisyon ni ezekiel, para ikaw na maunang mamatay, hindi kaba nahihiya sa kahanginan mo"sabi ko naman at saka sabay kaming nagtawanan ni yenjie. "Wag muna tol, maraming magluluksa na babae dahil sa kagwapohan ko,edi pag namatay na ako, wala ng matitirang gwapo dito sa mundong ibabaw"sabi nya sabay kindat na ikinangiwi naming dalawa ni yenjie at bintukan ulit namin. "Aray ko naman, nakakadalawa na kayo, kinakawawa nyo ang isang poging tulad ko,ingit lang kayo eh, kase mas gwapo ako sa inyo"sabi nito sa amin. "Well, ano bang mapapala natin sa isang Windel Van Inreal"sabi ko naman ulit. "Alam mo windel van, bagay na bagay sayo ang pangalang windel, napaka lakas ng dala mong hangin eh"sabi naman ni yenjie, at sabay kaming tumawa. "Kaya windel kase ibig sabihin nun, ako ang nagdadala ng kagwapohan dito sa mundong ibabaw"sabi nito ulit sabay kagat labi at kindat. Napailing nalang kaming dalawa, hindi kami mananalo sa isang windel van Inreal na ito. Natigilan kami ng bumukas ang pintuan ng emergency room, kaya dali dali akong lumapit sa doctor. "Kamusta si Ezekiel?"tanong ko. "Ok na ang kalagayan ni Mr. Forester, hintayin nyo nalang magising, excuse me"sabi ng doctor sabay naglakad paalis. Agad kaming pumasok sa emergency room, at nakita namin si ezekiel, na nawala na ang pamumula ng katawan, at maayos na ang paghinga. "Diba sabi sa inyo, ang masamang d**o matagal mamatay"saad ni yenjie, napailing nalang ako. Nakahinga ako ng maliwag dahil sa wakas ok na rin kalagayan ni ezekiel. Tinatawagan ko na rin sila tito at tita, para bisitahin ang kalagayan ni ezekiel dito. Maya maya pa, nagising narin si ezekiel, agad namin syang binatukan. "Gago ka pre pinakaba mo kami!"sigaw ko sa kanya, seryoso lang ang mukha nito, minsan lang naman yan ngumiti eh. "Buti hindi kapa natuluyan"sabi naman ni yenjie habang nakahiga sa sofa. "Grabe ka tol, na stress ang kagwapohan ko dahil sayo, buti nalang hindi nabawasan"kahanginan na sabi ni van, habang kumakain ng mansanas. "San naman galing g ang mansanas mo?"kunot noong tanong ni ezekiel. "Ah ito ba.... Hehehe.... ninakaw ko sa kabilang room, wala naman tao eh, tulog rin naman yung pasyente, hehehe"sabi nito habang puno ng mansanas ang bibig, nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa ginagawa ng lalaking ito. "Pano kung nahuli ka, kahit kailan ka talaga van"sabi ko dito. "Eh sa nagugutom ako, dapat ang mga katulad kung pogi, pano nalang ang kinabukasan ng bayan kung magkakasakit ako"kindat nito sa akin, napaka sarap batuhin ng bato. Kahit kailan ang takaw takaw ng lalaking ito, hindi ata mabubuhay ng walang pagkain. "Kamusta na ang lagay mo dude? Muntik kana dun ah"pagiiba ko ng usapan. "I'm fine, at sa oras na mamatay ako, isusunod ko si van"sabi nito habang hinihimas ang batok. "Dude, ang creepy mo, wag ka ngang ganyan, kung isusunod mo ako kawawa naman ang mga babaeng maiiwan ko, wala na silang makikitang pogi na poging si Windel Van Inreal at saka kung isusunod mo ko, pano nalang ang kinabukasan ng ating bayan, ang mga katulad kung pogi sila ang pagasa ng bayan"pagmamayabang nito, tiningnan ko si yenjie, at tinaasan ng kilay, nagets naman agad ito ni yenjie, at sabay batok kay van na punong puno ng pagkain ang bibig. Agad ito nabilaukan,dahil sa lakas ng pagbatok ni yenjie. "T-t-tubig....(cough.... cough...cough..cough) t-t-tubig tol"sabi nito pero hindi namin sya pinansin at bumaling nalang ako kay ezekiel, at si yenjie naman bumalik sa pagkakahiga. Yaan mong mamatay yang, mahangin lalaking yan, HAHAHA. "By the way bat mo nga pala kinain yung chocolate cake, alam mo namang allergy ka sa chocolate diba?"sabi ko kay ezekiel, na nakatingin lang sa labas ng bintana. "Masyado kaseng maingay ang babaeng yun, kaya wala akong choice kung hindi gawin yun"sabi nito, habang nasa labas ng bintana parin ang tingin. "Kahit na dapat hindi mo nalang kinain, alam mo bang muntik ka ng mamatay"inis na sabi ko dito, walang kwenta ang dahilan nya. "Kailan ako magdidischarge?"pagiiba nito sa usapan. "Hindi ko pa alam, sa ngayun dito kamuna, para masiguradong ok kana"sabi ko dito, biglang may tumunog na cellphone. Napatingin ako kay yenjie na hawak ang cellphone, mukhang may tumatawag. "Excuse me"sabi nito at lumabas ng kwarto. Napatingin naman ako kay van na naghihingalo na dahil hindi makahinga, napailing nalang ako at ibinato sa kanya ang isang mineral water, at tumama ito sa tyan nya, kaya naibuga nya ang nakabara sa lalamunan nito, at saka bumawi ng nawalang hangin sa kanya. Napangiwi naman ako sa naibuga nyang mansanas sa lalamunan nya. "Yan karma mo, ang hangin mo kase at ang takaw pa, baka mamaya multohin ka ng pinagkuhanan mo ng mansanas!"sigaw ko dito at saka tumawa ng tumawa,pagkatapos nitong uminom ng tubig, saka ito masamang masama na tumingin sa akin, at alam ko na kung anong susunod. "T*ngina nyo tol, papatayin nyo ba ang isang poging katulad ko!"sigaw nito at saka sinugod ako, kaya agad ako napatayo at tumakbo, naghahabulan na kami dito. Habang naghahabulan kami, biglang bumukas ang pinto kaya natigilan kaming dalawa. "Sino yung tumawag?"tanong ko dito. "Si kaythelyn, tinatanong kung ok lang ba si ezekiel"walang emosyon nitong sabi. "Nagaalala sya sa akin?"biglang sabi ni ezekiel, kaya napatingin kami sa kanya, nagkabit balikat lang si yenjie, at saka umupo. "Tinanong ba nya kung ok lang ako? Tinanong ba nya kung asan ako? Tinanong ba nya kung anong nangyari sa akin?"sunod sunod na tanong ni ezekiel, kaya nalilito kami sa inaasal nito, naaalala ko nga pala yung sinabi nga kanina. "Malay, sya puntahan mo at personal mo syang tanongin para sure ka na rin, at saka interview ba to? Bakit andami mong tanong?"sabi nito at saka pumikit, anong nangyari dito sa dalawang ito. Kanina lang hindi ganyan si yenjie, ganun din si ezekiel, si yenjie naging cold, si ezekiel naman hindi malaman kung naeexcite o ewan. "Hay*p ka tol, akala mo nakalimutan ko ang ginawa mo sa akin kanina, muntik ng mawala ang isang poging katulad ko dito sa mundong ibabaw"sabi nito at dinag-anan si yenjie habang nakahinga at saka ito kiniliti ng kiniliti. Ako naman bumaling kay ezekiel. "Sabihin mo nga sa akin, anong meron sa inyo ni kaythelyn?"curious na tanong ko. "What do you mean?"sabi nito at bumalong ulit sa labas ng bintana. "Bakit mo kinain yung chocolate na ayaw nya? Bakit parang galit ka sa kanya pero may pake ka parin? Bakit iba ang trato mo kay kathelyn kompara sa iba?"sunod sunod na tanong ko. "Pre alam mo gutom lang yan, anong oras dadating si mom? Para makakain kana?"pagiiba nito. "Pre seryoso ako, bakit mo kinain yung chocolate cake na ayaw nya, kung hindi sya mahalaga sayo?"seryoso kung sabi. "Dahil allergy din sya sa chocolate!! Ano masaya kana?"biglang sigaw nito, naikinagulat ko, so mag kapareho sila  ezekiel, how interesting. "P-pero pano mo nalaman na allergy sya sa chocolate? D-diba ngayun lang naman kayo nagkakilala?"takhang tanong ko. "Hindi na mahalaga yun"sabi nito. "Don't tell me, ini stalk mo si kaythelyn?"sabi ko dito, kaya agad akong nakatanggap ng masang tingin mula dito, nakakatakot talaga pagganito si ezekiel. "Ulol, yung babaeng yun, istalk ko? Asa!  Sino ba sya, hindi naman sya p**n star, para istalk ko"sabi nito sa akin at saka binatukan ako, napakamot nalang ako. Basta talaga p**n, active na active ito. "Hoy bakit may p**n star dyan? May bagong labas ba na scandal, patingin nga ako"wala pang isang minuto nakalapit na sa amin si van. Lalo na ang lalaking ito, basta usapang scandal, sobrang talas ng pandinig nito, napailing nalang ako. "Oy pre patingin naman ako, gusto kong mapanood eh"sabi pa ni van at nagpupumilit. Biglang bumukas ang pinto at bumubgad sa amin si tita na alalang alala ang mukha. "How's my baby, where is he?"sabi ni tita at saka dumapo ang tingi. Kay ezekiel at saka patakbong lumapit kay ezekiel. "Are you ok baby?, are you hurt?"alalang sabi ni tita. "Mom, i'm ok, it's just an allergy, don't worry to much mom"saad ni ezekiel. "Tita may pagkain ka bang dala? Sila ethan at yenjie po, kase pinapalipasan ako ng gutom, hindi po nila ako binigyan ng pagkain habang sila kumakain"pout na sabi ni van"kinakawawa po nila ako dito tita, hindi nila ako pinapakain, tapos binabatukan pa po nila ako, hindi rin po nila ako pinapanood nung scandal na pinanood na nila, huhuhuhu"kunwari umiiyak na sabi ni van. "Ow, kawawa naman ang baby van ko, ethan, yenjie, bakit nyo inaaway si baby van?"sabi ni tita sa amin, napatampal nalang ako sa noo ko,nakakahiya talaga kasama si van"halika na baby van, ipaghahanda kita ng dala kung food, ikaw lang kakain nito huh, wag mo silang bibigyan, kawawa naman ang baby van ko"sabi ni tita at pinaghanda si van ng mga pagkain. "What tita, pano naman po kami"sabi ni yenjie na bumalik na sa dati. "Walang kayong pagkain, inaaway nyo ang baby van ko!"sabi ni tita, agad nagbehlat si van sa amin, at humahangikhik. "Tita naman, alam nyo naman si van, napaka sinungaling na tao nyan noh! Kanina pa nga yan kain ng kain dito, ninanakaw yung mga frutas na nasa ibang room"sumbong ko kay tita. Si van kase ang pinaka inispoild ni tita sa aming tatlo ni yenjie,  ako at si van "Aww kawawa naman ang baby van ko, nagagawang magnakaw dahil sa gutom"napanganga nalang ako dahil sa sinabi ni tita,seriously. Huminga nalang ako ng malalim at tinampal nalang ang noo at umiling iling. Dinaig pa ni van si ezekiel, akala mo totoo anak. ____________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD