Chapter 1 — Wondering
RIELLE’s POV:
“Rielle!”, “Rielle!” napabalikwas ako ng bangon pagkarinig ko kay mama na tinatawag ang pangalan ko. Kasabay noon ay ang pagtingin ko sa alarm clock sa gilid ng kama ko.
“s**t!”, napasapo ako sa noo dahil alas-5 na ng umaga late na naman ako sa trabaho. Ang hirap pa naman na laging nalelate sa BPO company na pinapasukan ko. Kaya agad agad akong bumangon at kumaripas ng takbo sa banyo para maligo.
Nang mapansin ni mama ang pagtakbo ko, sinabihan niya agad ako na kumain ng almusal bago umalis.
“Akala ko ay nag-adjust ka ng oras sa trabaho anak. Kung hindi pala kita ginising ay nakanganga ka pa ding natutulog sa kwarto mo.” narinig ko sabi ni mama. “Halika na at kumain bago ka umalis, nang may laman ang tiyan mo sa byahe mo.” dagdag niya pang paalala.
“Sige po ma, maliligo na muna ako.”
Matapos kong mag almusal ay bumiyahe na agad ako sa pagpasok. Alam ko kasing tumataas na ng ilang points ang attendance ko mula nang sunud-sunod na akong malate sa trabaho. Halos ilang oras din kasi ang inaabot ko sa byahe bago makarating sa opisina. Dagdag pa ang lage akong napupuyat sa mga website projects ng mga clients ko.
I’m a designer, a front-end freelance developer na suma-sideline online. It takes almost three hours of my time bago makapag pahinga at makatulog. Kaya naman ang ending ay lage na lamang akong puyat at nale-late ng gising.
“Rielle! Bakla ka late ka na naman! Mabuti na lang at umabot ka dahil nagpapatawag ng meeting si boss 15 minutes ago. Halika na at bilisan mo diyan!”, turan ng co-manager ko na dumaan sa locker area para silipin ako at nagkataong nakita naman nya ako agad. Nagmadali naman akong ilagay ang gamit sa locker ko at saka sumunod sa meeting.
“Please give me the report later before you end your shift Rielle. I need it by the end of day.” Pakiusap ni boss Dario na operations manager.
“Sure sir, will do.” Sagot ko at nginitian ko lamang ito.
“Anyway, you can ask help from our RTAs on shift, for you to make it easier. Approach them later. Thank you Rielle.” pahabol niya sakin na agad ko namang tinanguan bago ako maglakad patungo sa team station ko.
‘kung di ka lang talaga gwapo, naku, di ka talaga mapapansin ng iba.’ isip isip ko habang tinutungo ko ang upuan ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
“Boss ganda! Pa-concession naman po ako, wala akong makitang ibang support. Yung TM ko kasi wala pa rin, naka-lunch kasi.” Pagsalubong ni Kian bago pa ko makaupo.
“Sure, did you annotate it? 4-digit order number?”, tanong ko at ibinigay naman niya agad.
Matapos kong gawin ang concession ay muli itong nagtanong.
“Boss, nga pala may nakita akong bagong muka sa RTA hub. May bago ba sa kanila?”
Napakunot ang noo ko at napatingin sa Workforce station pero di ko gaanong makita ang bago dahil may kalayuan yon. “Not sure, Kian. Bakit mo natanong?”
“Ang hot boss! Ang ganda ng ilong pati mata. Tapos makinis at balingkinitan, mukang expensive!” Umaaksiyon pa ito habang inilalarawan ang sinasabi nitong bagong workforce daw.
“Puro ka talaga kalokohan Kian, balikan mo na ang customer mo at long hold kana!”, pagtataboy ko dito at saka naman ito sumunod sa akin.
“Hay salamat at natapos ko din ang mga kailangan ko ngayong araw.” pahikab kong saad sa sarili ko bago ko maalala na may pinapagawa pa nga pala si Sir Dario na report. Kaya naman bago pa ko tamarin ng tuluyan ay agad na akong tumayo para tumungo sa WF hub upang manghingi ng data para sa gagawin kong report na inuutos sa akin.
“Hello, Leigh goodmorning!” bati ko sa RTA na nakatungo sa station nito at mukhang busing-busy ito sa ginagawa.
“Yes Rielle? What is it?”, tanong nito nang makita niya kong lumapit sa station niya.
Pagkasabi ko ng kailangan ko ay naghintay pa ako ng ilang minuto para sa makuha ang file na hinihingi ko at saka ko naalalang tanungin ito tungkol sa nalaman ko kay Kian, “May bago ba kayong RTA Leigh?”
“Yup yup! Kaso nag lunch sya eh, bakit?” balik tanong nito sa akin.
“Hindi wala naman, Nakita ng isang agent nagtanong sakin eh. Nagandahan yata sa bago nyo.” natatawa kong saad. “Nahihiwagaan ako kaya ko natanong.”
“Ahhh, si Paris ba. Oo, maganda nga sya kaso tahimik at mukhang masungit.” sabi nito na patuloy pa rin sa ginagawa.
“Ganun ba, judgemental mo dun ah!” biro ko dito at pareho naman kaming nagkatawanan.
“Ok na nilagay ko na sa folder mo ung file.” Pagkasabe nun ay nagpasalamat na ako dito at saka bumalik sa station ko.
Tinapos ko na lahat ng gawain at tsaka ako umuwe kaagad para makapagpahinga din ng maaga. Ngunit pagkalabas ko ay madami din akong kasabay na mga ahenteng pauwi kaya punuan ang mga elevator sa building kaya nagpasya akong gumamit ng hagdanan sa exit.
Habang pababa ako ay may narinig akong dalaga na tila nakikipag usap sa cellphone nito at rinig na rinig ko ang boses nito mula sa itaas na isa’t kalahati ng hagdanan ang pagitan naming dalawa.
“Dad, this is what I want! Can you please just let me do the things that I want to do? I’m sick of depending on my own expenses from your credit cards. I want to have my own! I want a life.” Ani ng dalagang sa tono nito ay mukhang nakikipagtalo ito sa ama.
“No. I won’t do that. Don’t you dare. I want to be ordinary. It’s challenging dad, please don’t do this to me or else…” naputol ang pagkakasabe nito na para bang nagdalawang isip na ituloy at sa palagay nya ay tinatanong sya sa kabilang linya ng katagang “or else what?”.
“I-I will leave and will never come back!” pagmamataas nito sa kausap at tsaka tila binabaan ang kausap. “Dammit!”, rinig ko pa ang tinuran nito at mukhang napasubo sa mga sinabi sa kanyang ama.
Mayamaya pa ay may lumabas na guard mula sa pinto ng kinatatayuan ng dalaga,
“Ma’am ano po ang ginagawa nyo dito? Bakit po di kayo bumaba sa office ni sir at mas malamig ang ambiance dun?”
“No, I need a break.” Sagot nito sa guard. “And please, would you mind not to talk to me that way? Specially kung may nakakarinig na iba.” Pagkasabi noon ay tsaka ito nag walk out papasok sa floor kung saan galing ang gwardya. Agad din naman itong sumunod sa kanya papasok ng pinto.
Di ako makagalaw nang dahil sa narinig ko. Hindi ko mawari kung ano ba talaga ang ito sa kumpanyang ito. Ngunit parang sa linaw ng aking narinig ay nagpapanggap itong ordinaryong empleyado pero sa reyalidad ay anak siya ng may ari ng building na pinapasukan nya.
Lumipas ang araw ng off ko at heto na naman ako sa pagpasok sa opisina. Marami na naman ang nakatambak na trabaho sa akin dahil kalagitnaan na naman ng Linggo ang saktong pasok nya.
I never had peaceful nights mula nang marinig ko ang usapan ng dalaga sa exit at sa kausap nitong guard nakaraan. Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin gayong di ko naman kilala ang taong ito. Ang alam ko lang, kainti-interesado ang binitawan nitong salita sa gwardiya na empleyado ding katulad niya. Dapat yata sinilip ko kung ano yung itsura niya, kaya hindi tuloy ako pinatulog sa mga isiping iyon.
Ano kayang position nito sa kompanya nila?
At kung magkataon mang tama ang iniisip ko bakit naman nito pipiliin ang maging isang empleyado kung nasa sa kanya na ang kapangyarihan sa pamamahala ng kompanya?
Maraming tanong sa isip ko na hindi ko malaman nang may lumapit sa aking co-TM ko,
“Huy, Rielle! Yung agents mo kanina pa kinocall-out ng RTA sa teams!” napaigtad ako nang mamalayan ang paglapit nito. Sabay tingin sa teams app sa desktop niya upang basahin ang convo mula roon. Nagbackread ako at nakita ko nga ang pangalan ng agent ko na naka over-break na.
Sakto namang dating ng agent ko na humahangos sa station nito at sumenyas naman ito sa akin na may mahinang sabi ng “Sorry po..”
“Troy, where have you been? You already exceeded your break. We’re being called out again!” Pagbibigay alam ko dito.
Pa-type na ako ng message sa teams nang may napansin akong personal message from someone named Paris.
Paris: Hi, please check this agent. Already exceeded his break. We are failing now please. Thanks.
Pagkabasa noon ay naalala ko na may bago nga palang RTA sa site. Agad ko naman itong sinagot.
Rielle: Hello, sorry. My agent is now on avail. I’ll coach him later. Sorry ulit.
Paris: Thank you.
Mabait naman pala yung bago naming RTA. Ngunit hindi ko pa rin ito nae-encounter sa floor. Di na rin naman ako magtataka dahil lage lang naman nasa station hub ang mga ito at di naman makikita na lumalabas sa production floor. Paano nga naman namin makakasalamuha ang mga ito.