Chapter 20 – Escape

786 Words

RIELLE’s POV: “TM Elle! Mabuti naman at nakarating ka na! Ang hirap mong ayain!” masayang bati ni Mike sa akin. Pinaunlakan ko ang invitation ng mga dati kong agents sa akin na mag-inom. Matagal tagal narin mula nung huli ko silang makasama. “Syempre ikaw ba naman ang magkaasawa ng sobrang ganda at sobrang sexy! Malamang magkukulong ka nalang sa kwarto diba TM?” Sabi naman ni Mayet na bisexual din. “Mga siraulo kayo, kung anu-ano yung mga sinasabi nyo jan! Anong tagay yan, yan lang? Order pa kayo, it’s on me!” sabi ko sa kanila pagkaupo ko. Sabay sabay naman naghiyawan ang mga loko sa sobrang tuwa. Pagkatapos ay umorder pa ng isang case ng beer. “TM Elle, kamusta ang buhay may asawa?” tanong ni Led isa rin sa mga agents ko na nalipat sa team ko noon. “Oo nga TM, kwento ka naman!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD