PROLOGUE
PROLOGUE
“LEIGHTON? Wala na ba kayong naiwan?” tanong sa akin ni Markin. Tinulungan niya akong mag-impake ng mga gamit namin ni baby Astrid.
Pinasadahan ko nang tingin ang condo na mahigit isang taon din ako nakatira dito. Ang baby ko naman ay six month old na siya ngayon.
Nasa bisig ko siya at tulog na tulog siya. Sa sobrang liit niya ay pagkakamalan siyang nasa three months old pa lang.
Hinaplos ko ang malambot niyang pisngi at hinalikan ko iyon pagkatapos. Bago ko nilingon si Markin.
“Wala na. Tara na?” sabi ko na ikinatango niya. Nagkasya sa dalawang maleta ko ang mga gamit namin.
Inayos ko na muna ang babybag ni Astrid at maging ang maliit niyang sumbrero. Dahil nakaharap siya sa aking dibdib ay halos hindi na makita pa ang maamo niyang mukha.
Masakit sa dibdib ang umalis sa condo na ito, dahil kapag tuluyan na kaming lilisan sa lugar na ito ay tapos na rin ang lahat sa amin ni Leandro.
Buntis pa ako noon sa baby ko nang nag-stay ako rito at ngayon, kaya ko itong talikuran kung alam kong wala ng pag-asa pa para ipaglaban ko ang pagmamahal ko sa kaniya. Nakakapagod na rin minsan.
Nasa pinto na kami nang dumating si Leandro at agad nagtama ang aming mga mata. Nababasa ko roon ang gulat at pagtataka.
“Where are you going?” mahinang tanong niya. Kahapon ay nagkaroon kami nang matinding away, na umabot sa puntong gusto ko nang umalis dito.
Nilingon ko si Markin, wala na akong ganang makipag-usap pa kay Leandro. Dahil alam kong mag-aaway lang kami. Ubos na ubos na ang pasensiya ko sa kaniya at napapagod na rin akong makipagtalo.
“Nagdesisyon si Leighton na umalis na condo mo, Leandro,” sagot sa kan’ya ni Markin. Malamig ang boses nito. Alam kong hindi nito nagustuhan ang pagtrato noon sa akin ng kaibigan namin. Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang paglalakad niya palayo. “Lee, wala ka man lang ba sasabihin sa mag-ina mo?”
“Do I even need to say anything more? If she wants to leave, then she should go,” he answered. Mariin ko lang naitikom ang aking bibig. Humahapdi sa dibdib ko ang mga katagang lumalabas mula sa bibig niya.
“Don’t you have any concern for your family, Lee? Are you just going to let them go? Is that really what you want?”
“I’ve been expecting her to leave, Mark. It’s taken her long enough, but now that she made her decision, I think we should just let her go. There’s no point in trying to persuade her to stay.”
“Hindi lang si Leighton ang aalis, Lee.”
“My daughter?” Parang tutulo na naman ang luha ko. Kung sabihin niya kasi iyon ay parang nang-aasar lang siya at hindi niya anak si Astrid. Kung sabagay nga naman, kailan pa ba siya naniwala sa akin? Simula nang maghiwalay kami noon ay nawala na ang trust niya.
“Hindi ako magtatagal dito ng walang dahilan, Leandro. Hindi ko gagamitin ang anak ko para lang makuha ulit ang loob mo. Kilala mo ako, pero nasa iyo na kung sino ang paniniwalaan mo. Oo, nagawa kitang saktan noon, ngunit matagal ko nang pinagsisihan iyon. Kung masyado na kaming masakit sa mga mata mo ay ako na ang kusang aalis. Huwag kang mag-alala. Ito na ang huling beses na ipapakita ko sa ’yo si baby Astrid. Ito na ang huli,” mahabang saad ko na muntik nang pumiyok ang aking boses. Nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha ko.
Naramdaman ko na lang ang presensiya ni Markin at hinahagod niya ang likuran ko.
“I hope you won’t regret your decision to let your family go. Trust me, Lee. You’ll wake up one day filled with regret.” Pagkatapos sabihin iyon ni Markin ay iginiya na niya kami palabas. Humihikbi pa rin ako kahit pinipigilan ko ang pag-iyak.
“M-Magiging okay kami ni baby Astrid,” pag-aalo ko sa aking sarili at pinagmamasdan ko lang ang maamong mukha ng aking anak.
“Leighton,” he uttered my name.
“Nandiyan ka naman, Markin. Puwede kang maging daddy ng anak ko, kahit may little Markiana ka na,” sabi ko. Hindi ko siya nakikitaan ng pagkaawa sa mga mata niya. Nangingibaw lang ang galit. “Pero naisip kong dalhin sa States si baby. Gusto kong ipagamot siya roon.”
“Hahayaan ka ba ng mommy mo na umalis?” nag-aalalang tanong niya. Marahan akong tumango.
“Basta susunod ako sa mga inuutos niya.”
“Parang masama ang kutob ko rito. Puwede naman kayong manatili rito, Leighton. Ninong naman ako ni Astrid, puwede ko siyang ipagamot.”
“Huwag na. Nakakahiya kay Rea. Pero salamat na rin,” aniko. Hinawakan niya lang ang ibabaw ng ulo ni Astrid.
“Magiging magkasundo ito ng Markiana ko. Kaya ingatan mo rin ang sarili mo para may lakas kang alagaan ang inaanak ko,” nakangiting sambit niya at napatango na lang ako.