Chapter 31: Meeting her lolo LEIGHTON’S POV MAGBABAYAD na sana ako ng bills ng asawa ko nang may tumawag sa akin. Pamilyar ang boses. Kahit siguro hindi ko lingunin ay makilala ko agad. “Leighton.” Ang tinig niya ay nagsusumamo. Lumingon na ako sa pinanggalingan ng boses at napayuko pa ako. “Tito Hellion, kayo ho pala,” magalang na sambit ko. Sa loob ng anim na taon ay mapapansin na malaki ang itinanda ng daddy ni Leandro. Nakikita ko na may tumutubo na rin sa kaniya na puting buhok. Gayunpaman, hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan ni tito. “Maaari ba kitang makausap, hija?” nagsusumamong pakiusap niya. Tumango ako. Mabait siya sa akin, at wala naman akong dahilan na tanggihan siya kung gusto niya akong makausap. Umupo kami sa lobby. May mga pasyente at guardian nila ang nakaupo s

