Chapter 29: Accident NAG-CHEST CT scan ang anak ko, para mas makita ng doktor ang kalagayan niya. Kung maayos din ba ang heartbeat niya, and thank God. Stable pa rin daw ang pumping ng puso. Walang palya o bagong arrhythmia. Sa nalaman ko na hindi ito masyadong naapektuhan, dahil hinika nang araw na iyon ay makahihinga na ako nang maayos. Ilang beses pa akong nagpasalamat sa doktora, na maging si Ashtine ay halos halikan na ang kamay niya. “You’re a fighter, baby. Kaya para kanino ka lumalaban para kayanin itong sakit na nararamdaman mo?” mababa ang tonong tanong ni doc. Titig na titig siya sa mukha ng aking anak. Dahan-dahan akong nilingon ng anak ko, nakangiti siya at namumungay ang mga mata. Kumikislap din iyon, wala pa siyang sinasabi, ngunit mukhang alam ko na ang isasagot niya.

