CHAPTER 2

1063 Words
Chapter 2: Second chance MAY mga desisyon talaga tayo sa buhay na pagsisisihan natin sa huli. Iyong akala mo ay ayos na, na naisip mo iyon ang nakabubuti. Pero hindi naman pala talaga. Ang dami kong regrets, ngunit ano pa ang magagawa ko? Kung isang desisyon na ang pinakawalan ko at hindi ko na ’yon mababawi pa, kahit ano pa ang gawin ko. *** Hindi ko na namalayan pa ang nangyari kagabi. Nagising na lang ako sa loob ng kuwarto ko. Ang kuya ko siguro ang nagdala rito sa ’kin. Tinatamad pa akong bumangon kung wala lang kumatok sa pinto ng aking silid. Masakit ang ulo ko, dahil sa hangover. “Tulog ka pa rin ba, Leighton? Bumangon ka na riyan saka ka bumaba. Mag-usap tayo,” narinig kong sambit ng mama ko. Napahinga ako nang malalim. “Ano na? Leighton!” “Lalabas na po ako, ’ma!” sigaw ko rin pabalik. Inis na bumangon na nga ako at dahil sa pagmamadali ko ay muntik na akong mahulog sa kama. Tinàdyakan ko pa iyon pagkababa ko. Nagdadabog na nagtungo ako sa banyo. Nanghilamos at nagmumog lang ako, saka ako lumabas. Nakasalubong ko pa ang si papa pagkalabas ko. Bumati ako at nagmano sa kaniya. “Hindi ka man lang nagsuklay ng buhok mo, anak,” puna niya. Inayos nga ni papa ang magulo kong buhok. “Si mama po kasi. Nagagalit kung babagal-bagal pa ako,” mahinang sumbong ko at tipid lang siyang ngumiti. Malayo ang personalidad niya kay mama, mayroon kasing pagka-strict ang aking inang si Norra. Mas mabait at hindi strict si Papa Louis. Sa sobrang pagmamahal niya rin kay mama ay takot siya rito. “Kilala mo naman ang mama mo, Leighton. Masyadong mahalaga para sa kaniya ang oras. Tara na lang sa baba, anak. Nang makapag-almusal na tayo,” anyaya niya sabay akbay sa akin. To be honest, malayo ang loob ko noon kay papa. Mas pabor siya kay Kuya Rexus. Iyong plano rin nila noon ay isa lang ang magiging anak nila, pero wala. Dumating pa rin ako sa buhay nila. Ngunit dahil mahal ko ang aking papa ay madali niya lang nakuha ang loob ko. Na dati ay halos hindi na nga kami magkita sa bahay namin, dahil umiiwas ako. “Good morning, mahal,” bati ni papa nang madatnan namin si mama sa dining room. Naghahain na siya ng breakfast namin at nandoon na rin si kuya. Nagtungo ako roon saka umupo sa tabi niya. Mabilis niya akong sinulyapan at inilapit ang isang tasa sa akin. “Drink it. Para iyan sa hangover mo.” Napangiti ako. “Salamat, kuya.” “Huwag ka na ulit magpapakalasing, Leighton. Alam mong walang magbabago kahit magpakalulong ka pa sa alak.” Mahina niya lang iyon sinabi, upang hindi marinig ng parents namin. Dahil sa mga salitang pinakawalan niya ay muli ko lang naramdaman ang kirot sa aking dibdib. Tama naman ang kuya ko, walang magbabago sa desisyon na pareho naming pinili ni Leandro. “I don’t want to give up, kuya,” mariin na saad ko. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. “Bibisita rito sa bahay si Christian, Leighton. Pakisamahan mo siya nang maayos.” Nag-angat ako nang tingin kay mama. Heto na naman siya, nirereto na naman niya ako sa inaanak niya. Kilala ko naman si Christian, naging kaibigan ko rin naman ito pero hindi ko naman ka-close talaga. Muntik na nga kaming magkaatraso noon sa girlfriend ni Markin, iyong best friend ko. Pero nagawa niya akong patawarin, dahil kung hindi ko raw ginawa iyon kasama ang nobya ni kuya ay hindi siya magkakaanak sa babaeng iyon. “Mama, hindi mo pa rin sinusukuan si Leighton? Pinagtutulakan mo pa rin siya kay Christian?” walang emosyon na tanong ng nakatatandang kapatid ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa. Para sana pigilan siya. Ayaw na ayaw rin naman niyang nirereto ako sa ibang lalaki, kung alam niyang ayaw ko rin naman. “Makakatulong pa siya sa ating negosyo, Rexus. Tutal naman ay wala na sila ng lalaking iyon. Hindi ka magiging masaya kung pipiliin mo pa rin ang architect na iyon, Leighton.” “Kumain na muna tayo, saka na natin pag-usapan ang tungkol diyan, mahal,” mahinahon na sabi ni papa, ngunit ayaw rin talagang magpapigil ni mama. Parang gusto niya na siya lang ang nasusunod. Dalawang beses ko lang hinigop ang tea na tinimpla ni kuya saka ako tumayo. “Saan ka na naman pupunta, Leighton?” malamig na tanong ng aking ina. “Sa opisina na po ako kakain ng breakfast ko, mama. Kailangan ko na pong umalis agad,” kaswal na paalam ko lang at tinawag pa niya ako, ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Hindi ako dumiretso sa trabaho ko katulad nang sinabi ko kanina. Si Leandro agad ang pinuntahan ko. Gusto ko siyang makausap, gusto kong bawiin ang pakikipaghiwalay ko sa kaniya. Alam kong maling magdesisyon agad kapag mainit pa ang ulo mo at galit ka. Pero puwede ko namang bawiin iyon hangga’t hindi pa huli ang lahat, ’di ba? “Wala po si Architect Dela Paz, ma’am. Naka-leave po siya sa trabaho niya,” pagbabalita sa akin ng babaeng nasa information desk. Inaasahan ko na ito. Ayaw niya akong makita kaya pilit niya rin akong iniiwasan. “Kailan siya babalik sa trabaho?” usisa ko pa. Makapaghihintay naman ako, hihintayin ko ang pagbabalik niya at nang makapag-usap ulit kami. “Baka po next month na. Isang buwan din po iyon, ma’am.” Napapikit ako at napahinga nang malalim. “Sige, salamat.” Umalis na rin ako roon. Sinubukan ko nang tawagan si Leandro, cannot be reached lang ang phone niya. I tried na i-text message na lang siya. Second chance, iyon lang naman ang hinihingi ko at sana lang mapagbibigyan niya ako. Puwede pa naming ayusin ang relasyon namin, kung maaari din na hindi ko na siya pipilitin pa sa gusto kong magpakasal na kami. Basta babalik siya sa akin. That’s what matters most. I’m waiting for him, but days are passing and I’ve just found out I’m pregnant, and he’s the father. Wala naman ako nakarelasyon bukod sa kaniya at pupusta ako ng isang milyon na walang nangyari sa amin ng lalaking iyon, never. Hindi naman ako makikipag-ano sa iba kung hindi lang siya. Ang kasalanan ko lang ay sumama ako sa lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD