Dumerecho na muna sila sa mga kwarto nila at binigyan ng kalahating oras para magpahinga. Nagkataon na pang isang tao lang ang kwarto ni Kylie kaya wala siyang kasama. Inikot niya ang kwarto at binuksan ang bintana para may hangin. Umihip ang malamig na hangin at napahawak siya sa jacket niya tsaka niya narealize na suot niya pa rin ang jacket ni Atlas. Napangiti naman siya dito. Nagmumuni muni lang siya nang tinawag siya nila Jane at Mitch para pumunta sa meeting place. Hinubad niya na muna ang jacket at isinabit sa upuan.
“Aga aga nageemote ka sa bintana ah” Biro sa kanya ni Jane pagkalabas niya
“Uy hindi naman ah, masarap lang talaga yun hangin” Pagtanggi ni Kylie
“Oo nga eh, kaya pala wagas ang ngiti mo” Hirit ni Jane
“Uyyy hindi ah…”Deny ulit ni Kylie
“Oo kaya, hindi ba Mitch?” Paghingi ng back up ni Jane
“Oo nga eh, tuwang tuwa ka.” Dagdag ni Mitch
“Ay ewan ko s inyo tara na nga” Pag-iwas ni Kylie sa dalawa.
Inexplain ng HR ang mga activities na meron sila para sa tatlong araw nila dun. Mabait naman ang HR dahil talaga sinadya pang bigyan sila ng mga free time para magenjoy para sa sarili nila.
“Wow ang sarap talaga nito parang vacation lang talaga” Relieve na sabi ni Marco
“Kaya nga teambuilding diba, para din naman may oras tayo para sa isa’t isa” Hirit ni Jane
“Pero parang natatakot ako sa amazing race mamaya, nakita mo ba yun parang gubat kaya yun” Turo ni Mitch sa venue ng amazing race
“Masaya kaya yun! Exciting” Excited na sagot ni Marco
“Gubat naman talaga yun, pero its safe naman kaya nga tourist spot eh” kumbinse ni Jane sa kanila.
Habang naguusap silang tatlo ay napansin ni Mrs. Cruz ang katahimikan ni Kylie.
“Kylie, ok ka lang ba?” Tanong ni Mrs. Cruz sa kanya
“Opo..”Matipid na sagot ni Kylie
“Sigurado ka? Kanina ka pa tahimik eh. Nakakapanibago lang” Biro ni Mrs. Cruz
“Ma’am naman parang sinabi niyo na maingay ako” Medyo nangiting tanong ni Kylie
“Bakit hindi ba?” Biro ulit ni Mrs. Cruz sa kanya
“Hindi po” Tuluyan nang nangiti si Kylie
“Mas bagay sayo ang ngumiti, anyway ano man yan iwan mo na muna yan enjoy your day today” Paalala ni Mrs. Cruz
“Opo” Sagot naman ni Kylie
Around 3 pm nang naggather ulit ang lahat, inexplain sa kanila ang rules ng race. Nashuffle ang mga department para makilala nila ang isa’t isa.
“Now take this few minutes to get to know your group members, there are 8 teams and approximately 8 members per group.” Announce ni Jojo “The race would start in 15 minutes I want to remind everyone to keep safe and be mindful of each other, the race would be approximately 3 hrs”
Ilang minuto pa ay nagsimula na ang race, nagtakbuhan ang lahat sa kani-kanila nilang first station at naiwan nalang ang iilan sa starting point.
“Jojo, can I see the stations?” Tanong ni Atlas sa kanya
“Sir eto po” Abot sa kanya ni Jojo ng listahan ng task and place
“They have to go through the mini-forest?”Medyo nagulat na tanong ni Atlas
“Yup, dun nila makukuha lahat ang last na kailangan nila. The place is big enough naman for everyone.”
“I see…” Sagot ni Atlas
“May problema po ba?” Takang tanong ni Jojo
“Wala naman, good execution of this task. Advance congratulations sayo” Bati ni Atlas sa kanya
“Thank you po sir” Tuwang tuwa sabi ni Jojo
“Sige magpapahinga na muna ako sa kwarto ko, tawagin niyo na lang ako pagtapos na ang race” Paalam ni Atlas bago dumerecho sa kwarto.
Dalawang oras na ang nakalipas simula nang magsimula ang race, isa sa mga nangunguna ang team ni Kylie kahit na pagod na ang lahat.
“Kylie, are you sure this is the place?” Tanong ng isa niyang kasamahan
“Yup, I’m sure I have been here” Sagot ni Kylie na medyo hinihingal na din
“Tara tara” Sagot nun isa at pumasok na sila sa last station.
Pumasok na ang team nila Kylie sa mini-forest, the place was beautiful pero isa sa mga pinakaayaw ni Kylie ay yun ganitong maputik na hindi maintindihan ang lambot ng lupa. Pero di niya into pinansin at tuloy lang sa paghanap sa hinahanap. Palabas na sana sila ng biglang napansin ni Kylie na may nawawala sa kanila
“Janelle, babalik nawawala si Micah baka naiwan natin siya balikan ko lang” Sigaw ni Kylie kay Janelle
“Samahan na kita” Alok ni Janelle
“Di na sige na mauna na kayo sabihan mo na lang sila na binalikan ko si Micah” Sagot ni Kylie
“Mag-ingat ka ah!”Paalala ni Janelle
Tumango lang si Kylie at bumalik na ulit sa loob. Medyo malaki ang lugar kaya nahirapan si Kylie nahanapin ang nawawalang kasama. Napasama pa na biglang bumuhos ang ulan. Mas lalong naging mahirap lakarin ang daan pero determinado siyang hanapin ang kasama.
Dahil umuulan ay nilipat nila sa isang covered pavilion ang meeting place. Halos lahat ay nakabalik na may ilan na lang na hinihintay marahil s amalakas na ulan.
“Well done everyone, good job. Now you can rest, clean up and get ready for dinner”announce ni Jojo. Umalis na ang lahat maliban kay Janelle na naiwan na nakaupo at nakatingin sa direction ng mini-forest.
“Janelle, ayaw mo pa magpahinga?” Tanong ni Jojo
“Sir, hindi pa po bumabalik si Kylie at Micah. Napansin kasi ni Kylie na nawawala si Micah kaya binalikan niya ito sa loob” Paliwanag ni Janelle
“Ayan na pala si Micah eh” Sabi ni Jojo “Ms. Mendoza” Tawag ni Jojo sa kanya
“Sorry po medyo naligaw lang po, and medyo mahirap kasi makalabas dahil basa na ang lupa dun eh” Pagghingi ng sorry ni Micah
“Did you happen to see Ms. Abad?” Tanong ni Jojo sa kanya
“Si Kylie? Di pa rin ba siya nakakabalik?” Takang tanong ni Micah
“Binalikan ka niya, hindi ba kayo nagkita?” Biglang singit ni Janelle
“Hindi eh…nako nasa loob pa rin kaya siya?” Nagaalalang tanong ni Micah
“Nagayos na muna kayo baka magkasakit na kayo. I’ll wait for Ms. Abad here, and don’t tell anyone na nawawala si Kylie we don’t want to create a commotion. Aakyat na din kami dun mamaya pag medyo tumila na ang ulan” Paliwanag ni Jojo. Tumango naman ang dalawang babae at sumunod sa utos
Si Kylie naman ay hindi pa rin mahanap ang daan pabalik, at dahil madulas na ay nadulas pa ito.
“Aahhhhh………”Sigaw ni Kylie nang may maapakan na malambot na lupa at derechong dumulas pababa
“Ang swerte mo naman talaga Kylie..” Sabi ni Kylie sa sarili at nang sinubukan tumayo ay bumagsak ulit.
“Perfect! Paano ka babalik you even sprained your ankle” sermon ni Kylie sa sarili. Umupo na muna si Kylie alam niyang mapapansin din na nawawala siya at hahanapin din siya. Kaso lang ay dumidiMontenegro na at parang di pa titigil ang ulan. Tumabi na muna siya sa isang puno para kahit papaano ay may silong sa ulan.
“Kylie, may darating din..may darating din” bulong niya sa sarili para maibsan ang takot niya
Sa loob naman ay papunta na ng dining hall ang karamihan, si Atlas ay kakalabas lang din ng kwarto at papunta na rin ng dining hall ng marinig niya ang usapan ni Janelle at ni Micah.
“Janelle, nakokonsensya ako kung di lang kasi ako humiwalay sa grupo edi sana di ako nawala, di na rin sana bumalik si Kylie sa loob” Nakokonsesyang sabi ni Micah
“Kahit naman ako, sabi ko nga samahan ko siya pero ayaw niya eh..” Dagdag ni Janelle
“Nakabalik na kaya siya? Di pa rin tumitigil ang ulan oh” Sabi ni Micah
“Puntahan natin si Sir Jojo para malaman natin” Yaya ni Janelle sa kanya
Papunta na sana ang dalawa ng biglang tinawag ni Atlas ang atensyon nilang dalawa.
“Excuse me” Singit ni Atlas
“GM” Sabay na bati ng dalawa
“May problema ba?”Tanong ni Atlas
Hindi nagsalita ang dalawa dahil naalala nila ang bilin ni Jojo na wala sila pagsasabihan, pero napagisp isip nila na siguro naman sa kanya ay wala naman kaso sabihin dahil boss nila ito
“Meron po kasi kaming kasama na di pa nakakabalik..”Sinimulan paliwanag ni Micah
“Sino?” Tanong ni Atlas
“Si Kylie po..” Sagot ni Micah
“Kylie?” Tuloy na pagkuha ni Atlas ng impormasyon
“Kylie Abad po, binalikan niya kasi si Micah pero nakabalik na si Micah si Kylie di pa nagkasalisi ata sila” Tuloy na paliwaag ni Janelle
Sa pagkakarinig ni Atlas sa pangalan ni Kylie ay agad agad ito na umalis. “Excuse me”
Dumerecho si Atlas sa lugar na sinabi ni Janelle at Micah, at hinanap si Kylie. Dahil madiMontenegro na ay naging mahirap din sa kanya na mapasok ang lugar. Si Kylie naman ay nakaupo pa rin at nagdadasal na may makahanap na rin sa kanya. She put her face in between her knees para di niya kailangan tumingin sa paligid that creeps her out.
“Kylie please be safe” Bulong ni Atlas sa sarili niya.
Tuloy pa rin si Atlas sa paghahanap, paikot ikot siya sa lugar at isinisigaw ang pangalan ni Kylie. “Kylie!” Tawag nito
Napalingon naman si Kylie nang marinig niya ang pangalan niya. She can’t be wrong kung kaninong boses ang narinig niya. Nagdalawang isip pa siya na sumigaw pabalik pero hindi niya na siya nagisip pa kailangan niya na rin makabalik.
“Andito ako!”sigaw niya pabalik. Narinig ito ni Atlas at sinundan kung saan nanggaling ang boses. Di nagtagal ay nakita niya kung asan si Kylie.
“Kylie!”Lapit nito sa kanya.
“Ikaw nga” Ang tanging salitang nasabi ni Kylie
“Ano ba ginagawa mo dito? Bakit ka pa kasi bumalik eh.” Sermon ni Atlas
“Sorry na, di ko rin naman ginusto to eh..ang diMontenegro diMontenegro nakakatakot kaya” Sagot ni Kylie at di na napigilan ang luha na kanina niya pang pinpigilan dahil ayaw niya mawalan lalo ng lakas
Niyakap lang siya ni Atlas “Shhh…andito na ako..balik na tayo” Patahan nito sa kanya, ilan minuto pabago nahimasmasan na si Kylie
“I can’t walk” Pag-amin ni Kylie
“That’s not a problem” Sagot ni Atlas at agad agad siyang binuhat
“Atlas! Ibaba mo ako” Gulat na reklamo ni Kylie
“Mas matatagalan tayo bumaba pag magrereklamo ka pa.” Saway ni Altas
They easily found there way back to the exit. Nang makita sila ni Jojo, Janelle at Micah ay agad silang nilapitan.
“Kylie, sorry talaga…dahil sa akin napahamak ka pa tuloy” Paghingi agad ni Micah ng sorry
“Ok lang..this is just a sprain it would be fine..” Pilit na ngiti ni Kylie
“Sir, pwede niyo na po siya ibaba. Papunta na dito ang first-aid team” Sabi ni Jojo kay Atlas
“It’s ok. Anyway, bumalik na kayong tatlo sa loob baka makahalata ang iba na may nangyari at baka magkagulo pa. Ako na bahala dito, I’ll stay here with Ms. Abad and wait for the medics to come” Pormal na explain ni Atlas
“Sir, I can do that for you. I think you should go change” May concern na sabi ni Jojo
“I’m fine, sige na do as what I say” Sagot ulit ni Atlas sa kanila
Pagdating ng medical team ay tinignan ang pilay ni Kylie. It was nothing major so they just applied first-aid treatment at binigyan siya ng mga reminders. They applied pressure to it para maiwasan ang pamamaga kinabukasan. Pagkatapos ng mga procedures ay umalis ang medical team at iniwan na sila.
Inalalayan ni Atlas si Kylie pabalik ng kwarto niya at ayaw pa nga iwanan sa simula.
“Are you sure you can manage?”Tanong ni Atlas sa kanya
“Oo naman” Agad na tango niya
“Sige, maiwan na muna kita” Paalam ni Atlas
“GM” Tawag ni Kylie sa kanya
“I don’t like you calling me that way” Sagot ni Atlas
“Lief” Tila natigilan si Atlas sa narinig. “Thank you” Dagdag pa niya.
Nginitian lang siya ni Atlas bago umalis. When Atlas was out of sight tsaka lang ni Kylie sinara ang pintuan ng kwarto niya.
“Ikaw pa rin talaga, Ikaw pa rin ang laging andyan para sa akin “ Isip ni Kylie
“Buti na lang nahanap agad kita, buti na lang talaga kahit papaano may natitira pang connection sa atin” Isip ni Atlas