Isang araw habang nagdridrive papasok si Atlas ay nakakita siyang pamilyar na mukha, at naisip na siya na siguro ang makakapagbigay sagot sa mga tanong na matagal tagal nang gumugulo sa isip niya.
“Francine!” Tawag niya sa dating kaibigan
“Atlas?!” Gulat na sagot ni Francine
“Para kang nakakita ng multo ah, saan ka papunta?” Casual na tanong ni Atlas
“Oo, gwapong multo” Biro naman ni Francine “Magbreakfast then papasok na sa office”
“Talaga? Then hop in sabay na tayo” Yaya nito sa kanya
“Sure.”Agad naman na sagot ni Francine
Habang kumakain ay di mapakali si Atlas dahil di niya alam kung dapat niya ba tanungin ang bagay na yon o hindi.
“Magtatanong ka ba o hindi?” Biglang hirit ni Francine, dahil alam niyang may motibo tong si Atlas kaya siya inimbita sa breakfast
“I don’t know if I should ask or if I have the right to ask” Pag-amin ni Atlas
“Tungkol kay Kylie ba to?” derechong tanong ni Francine
Atlas just nodded “and what had happened 4 years ago?” Dagdag niya pa
“Hindi pa rin ba niya sinasabi sayo?” Medyo frustrated na tanong ni Francine
“No, she keeps on pushing me away” Sagot ni Atlas
“Kung ganun, I cannot tell you all the details. But I can help you” alok ni Francine sa kanya
“How?” Curious na tanong ni Atlas
“Kylie was deeply wounded for what had happened 4 years ago. Imagine mo na lang to ah, isang taon after mo umalis namatay parents niya, Cassie was just 2 years old that time. Para na nga super mom tong kaibigan ko to think na kapatid niya lang si Cassie. Now your back, do you still love her? Do you want her back?”Seryosong tanong ni Francine sa kanya
“I want to know the reason kung bakit niya nagawa sa akin yun” Paligoy-ligoy na sagot ni Atlas
“You didn’t answer my question!” Reklamo ni Francine
“Hindi ba obvious yun?” Tanong pabalik ni Atlas
“Eh diba may fiancée ka na?!” Nadulas na tanong ni Francine at agad agad niya naman ito sinegway “I mean wala ka pa bang girlfriend?”Tanong ni Francine
“Wait wait, paano mo nalaman ang tungkol dun?” Di pinansin ni Atlas ang pangalawang sinabi ni Francine
“So totoo nga? Tapos ngayon gusto mo balikan ang kaibigan ko won’t it be a double blow for her” Reklamo pa rin ni Francine
“That’s another thing, what I want to know is what had happened so that I can try to fix it” Tuloy na explain ni Atlas
“If I tell you everything that would be betraying Kylie, nadulas na nga ako sa isa sa mga dahilan eh. Kung kanino galing yun? I bet you know better sino lang ba may alam tungkol dyan. Atlas, maraming bagay ang nangyari na di mo alam. Pero eto lang ang sasabihin ko sayo, totoong minahal ka ni Kylie, di ginusto ni Kylie yun ginawa niya at para sa yo pa rin ang naging desisiyon niya pag-iwan sayo” Seryosong explanation ni Francine
“Thanks for that, pero may tanong ulit ako sayo..” Pahabol pa ni Atlas
“Ano nanaman yun?” Tanong ni Francine
“Gusto ba ni Kylie si Mikey?” Nahihiyang tanong ni Atlas
“Hala! At nakikichismis ka na rin?” Pag-iwas ng tanong ni Francine
“I just want to know” Sagot ni Atlas
“That I don’t know” Pagisisnungaling ni Francine. “At hindi lang naman siya ang karibal mo if ever balak mo siya ligawan ulit, sa office niyo ang dami daming nanliligaw sa kanya, ito lang talagang si Kylie ang deadma sa kanila, ewan ko ba kung bakit” Dagdag ni Francine na tila binibigyan si Atlas ng hint
“I get it now” napangiti si Atlas “Thank you Francine for this time” Pasasalamat ni Atlas sa kanya
“Thank you din, pero eto lang Atlas ano man plano mo. Huwag mo na hahayaan masaktan pa ulit si Kylie” Paalala ni Francine
“Oo naman, that I promise you” Sagot din naman ni Atlas
“Ngayon pwede ba idaan mo muna ako sa office dahil malalate na ako?” Biglang hirit ni Francine
“Ay sorry, sige tara na” Pag sang-ayon naman ni Atlas at agad agad na umalis
Pagbalik ni Atlas sa office ay naisipan niya muna dumaan sa mga offices ng department. Hangga’t nakaabot siya sa marketing department at agad niya naman nakita ang hinahanap niya. Nakikipagkwentuhan siya sa mga kasamahan niya at nagtatawanan. Napangiti din naman si Atlas nang makita niyang ngumingiti si Kylie
“Kylie, when would be the time that you’ll smile for me again” Isip ni Atlas bago bumalik sa office
Nabulabog ang kwentuhan nila Kylie nang biglang dumating si Jane na may dala dalang isang memo.
“Guys read this” Excited na sabi ni Jane
“Wow ang cool naman nito, team building activity? 3 days 2 nights!” Tuwang tuwa sabi ni Marco
“This Saturday na yan ah, then derederecho sa Monday since holiday naman sa Monday, sino daw ang nagplano?” Tanong ni Mitch
“It’s a memo from the HR department, pero sa tagal tagal natin dito ngayon lang nagkaganito. Halos lahat ng department ay kasama so I guess it’s the idea of our new GM” Sagot naman ni Marco
“So pupunta ba tayo?” Tanong ni Mitch
“Of course we are! Diba Kylie?” Singit ni Jane
“Oo naman, it’s a time to unwind” Ngiti ni Kylie
“Saan daw ang venue?” Excited na tanong ni Mitch
Nang binasa ni Marco ang venue ay nagulat si Kylie at napaisip “Di naman siguro siya nananadya noh” isip niya
Mabilis na dumating ang Saturday, maaga palang ay excited na ang lahat. Medyo late na dumating si Kylie dahil hinatid niya muna si Cassie kela Francine. Pagdating ni Kylie ay kumpleto na ang lahat, hinihintay lang siya ng mga kasamahan niya.
“Guys sakay na tayo aalis na rin eh..”Utos ni Jojo assistant team head ng HR
“Tara na guys!” Yaya ni Jane
“Wait, can I ask one of you to stay with our GM. He would be driving on his own car. And its quite a long ride para lang may kasama siya is someone willing to ride with him?”Tanong ni Jojo
“Wouldn’t that be awkward? I mean si GM yun” Tanong ni Mitch
“Hindi naman, mabait si Sir Atlas. And wala naman meaning yun.”Dagdag ni Jojo
Nagturuan ang mga magkakasama hindi naman dahil sa takot sila or ayaw nila pero nahihiya sila. At natatakot sila na maawkward moment lang sila. Si Kylie lang ang di masyado nakikipagtalo si Kylie kaya napansin ito ng kausap.
“Ms. Kylie, would it be okay for you?”tanong ni Jojo
Napaisip si Kylie at pumayag na rin para na din naman makaalis na sila “Sige ako na lang”
“Then its settled then, sige na sumakay na kayo. Ms. Kylie follow me” Sabi ni Jojo
Hinatid naman ni Jojo si Kylie sa kung saan nakapark ang sasakyan ni Atlas. At agad din naman umalis para sumakay sa bus na paalis na ngayon.
“So hindi ka sasakay?” Tanong ni Atlas at after nun ay sumakay na din naman agad si Kylie
Tahimik lang ang unang mga sandal ng byahe nila, walang nagsasalita. Si Atlas nagcoconcentrate lang sa pagdridrive si Kylie naman ay katext si Francine dahil nagwawala daw si Cassie ngayon. Nang biglang tumawag si Cassie. Napatingin si Kylie kay Atlas at nag-alanganin sagutin ang tawag.
“Go on answer it, I’m fine” Biglang sabi ni Atlas and she took that as a permission to answer the phone
“Kylie! Maloloka ako dito sa kapatid mo ah. Pagkagising na pagkagising ikaw na ang hinahanap ay tumigil sa kakaiyak” Reklamo ni Francine
“Titigil din yan, ganyan lang talaga yan pag kagising. Mamaya lang ook din yan. Try mo ligawan gamit ang cupcakes..” Payo nito sa kaibigan
“kok cupcakes, nako kung di lang talaga kita kaibigan!”Sabi ni Francine
“asensya ka na ah, wala lang talaga ako mapagiwanan eh..”Pag hingi ng sorry ni Kylie
“Ok lang, joke lang yun. Matagal ko na rin di nakakasama si Cassie. At matagal ka na din walang ganyan bakasyon, magenjoy ka ah” Bilin ni Francine sa kanya
“Thank you talaga, sige na tawagan mo na lang ako ulit if may kailangan ka pa” Paalam niya sa kaibigan bago binaba ang cellhpone
“Si Francine ba yun?” Casual na tanong ni Atlas
“Yup..” Mahinang sagot ni Kylie
“Sa kanya mo iniwan si Cassie?” Tanong ulit ni Atlas
“Yup, wala naman ibang mapagiwanan.”Sagot ni Kylie
“I see” Maikling sagot ni Atlas
Di nagtagal ay dinalaw na ng antok si Kylie at di niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nakita ito ni Atlas at tinabi muna saglit ang sasakyan. Inabot ni Atlas ang jacket niya sa likod at ipinatong kay Kylie para magsilbing kumot dahil medyo lumalamig na.
“Kylie, no matter what happens I’m gonna win you back” Bulong nito sa kanya.
Pagkalipas ng isa’t kalahating oras ay nakarating na din naman sila sa venue. Di muna ginising ni Atlas si Kylie dahil masarap pa ang tulog nito. Pero di nagtagal ay nagising na din si Kylie.
“Sorry, nakatulog pala ako” Bigla niyang sabi
“It’s okay” Nakangiting sagot ni Atlas
Nagulat si Kylie sa jacket na nasa kanya at shempre alam niya sino nagbigay nun sa kanya dalawa lang naman sila sa sasakayan.
“Thank you dito” Bbot ni Kylie sa jacket
“uUe it first, medyo malamig pa sa labas. Kakagising mo lang baka mabigla ka” Balik ni Atlas sa kanya ng jacket
“Pero…” Sasagot pa sana si Kylie
“Everyone’s waiting for us, tara na” Atlas cut her off at bumaba na ng kotse. Sinuot na muna ni Kylie ang jacket as Atlas instructed bago bumaba ng sasakyan.
Habang inoorient sila ng HR sa lugar, ay di maiwasan na bumalik sa kanya ang mga memories niya sa lugar na ito. Saglit siyang napalingon kay Atlas but he doesn’t look affected. Kaya binaling niya na lang ulit ang attensyon niya sa nagsasalita.
Si Atlas naman habang naglalakad ay kausap ang sarili sa utak niya. “Atlas this was the place that Kylie indirectly said goodbye, bakit di mo napansin yun? This was the last place you last seen Kylie’s genuine smile. Dito kayo huling naging masaya. Hindi ko hahayaan na puro ganitong memories lang ang maiiwan sa lugar na to.”