Palabas palang sana si Atlas mula sa hotel na tintirihan nila ng makita niya ang buong barkada sa lobby. Nagtatawanan at nagbibiruan. Ng mapansin ng isa na dumating na siya ay agad naman siya nilapitan. “Sir Atlas! Sa wakas dumating ka na!” Lapit ni Marco sa kanya “Aba bihis na bihis tayo ah, saan lakad natin?” Biro ni Francine Napatingin naman si Atlas sa suot niya, medyo pormal nga naman ito. Long sleeve polo lang naman ito with matching black slacks. Dagdagan niya na lang ng kurbata at coat ay mukha na siyang aattend sa isang importanteng meeting. Tinignan niya rin naman ang mga kasama niya “Mukhang I’m not alone” Komento niya ng mapansin ang mga suot din nito “Eh sabi ni Mikey eh! You have something prepared for today, kaya mag-ayos daw kami, ano nga ba yun?” Tanong ulit ni Franc

