Pagkabalik nila sa mga kasama ay inabot na nila ang mga buhangin na pinabili. Sabay sabay na rin sila pumunta sa isang restaurant para magdinner. Si Kylie ay hindi pa rin pinapansin si Atlas. Tumatabi lang ito sa kung kani-kaninong kasama nila. Mukhang ok naman siya dahil panay ang tawa at kwento niya sa kanila pero pagdating kay Atlas. Snob. “Pare di maipinta mukha natin ah” Biro ni Mikey “Eh paano ba naman si Kylie sinumpong na naman ata” Napakamot ng ulo na sagot ni Atlas “Sus parang di ka pa nasanay diyan, sumpungin lang yan” Konswelo ni Mikey “Sabagay may point ka.” Natawa naman at pagsang-ayon ni Atlas. Sa loob ng restaurant ay parang automatic na naman ang seating arrangement nila kaya magkatabi pa rin sila. Sinusubukan niyang kausapin si Kylie pero tanging oo at hindi lang an

