Relax na isinandal ni Idelaide ang likod sa sandalan ng bench na nasa labas ng ospital. Sumsim siya ng kapeng nakalata habang pinanonood ang ibang pang mga pasyente na naglalakad-lakad din doon. She'll never get tired of drinking canned coffee. Katatapos lamang niya kamustahin ang lagay ni Maryam at ni Annina at tila nakahinga siya ng maluwag nang makitang okay na ang mga ito. Nalaman din niya na ito pala ang matalik na kaibigan ng Ate Iyah niya. Nalaman din niya mula dito na si Roy daw ang matagal nang sumusunod sa kanila at maging si Maryam ay ilang ulit din na pinagbantaan nito. Matapos ang mga nangyari kagabi, nahuli na si Mariel at ang mga kasabwat nito. Ipinaubaya na din niya kay Creig ang pagsasampa ng kaso dito. Nabalitaan din niyang nagpakamatay daw si Roy. Ipinagpasa-Diyos na

