Matamang tinitigan ni Idelaide ang pregnancy test kit na binili niya sa pharmacy bago siya umuwi kanina. At gaya nga ng nauna nang maipamalita sa kaniya ni Dr. Deveza, dalawang pulang linya ang lumabas na resulta niyon. She is really pregnant with Jameson's baby. Nagpabiling-biling siya sa higaan. Paano ko naman kaya sasabihin ito kay Jameson? Kailangan niyang makahanap ng magandang timing. Baka bigla na lang itong mahimatay pag nalaman nitong tinapos na niya ang pagkabinata nito. E siya kaya itong mahalay! May kung ano sa kaniya ang kinakabahan sa magiging reaksiyon ng binata. Napatingin siya sa cellphone. Wala pa ding text o misscall man lang galing sa hudyong iyon. Ni hindi din ito nagrereply sa mga text niya. Naiirita na tuloy siya. Malalakas na katok mula sa pintuan ang nagpabal

