Maagang nag-out si Idelaide sa ospital at dumiretso sa Elise's. Nag-half day lamang siya sa trabaho dahil iyon ang naging usapan nila kagabi ni Jameson. Bahagya pa siyang nainis dahil isang oras na siyang naghihintay sa binata sa parking lot ng ospital. Nangako kasi ito sa kaniya kanina na susunduin siya nito. Ngunit nakakain na siya lahat- lahat ng tanghalian sa mini-cafeteria ay hindi pa din ito dumadating. Nakapatay din ang cellphone nito na mas ikinakunot ng noo niya. Nainip na siya paghihintay kaya naman nag-taxi na siya papuntang Elise's dala ang paperbag na may two-inched heel niya. Umaasa siyang naroroon na ang binata sa boutique. Nang makadating siya sa boutique, sinalubong agad siya ng isang sopistikadang babae. Nakangiti itong lumapit sa kaniya. "You must be Idelaide, right?"

