Si Jack ang nagbukas ng pinto. Naka-boxer shorts lang siya. Nagulat pa ako nung may sumunod na babae. "Honey, sino ba 'yan?" sabi nung babae. Nakabalot lang ng kumot. Hindi man lang nahiyang makalabas-labas ng ganung ayos. But wait, may babae? Bakit may babae? "Zayl?" sabi ni Jack pagbalik ng tingin sa akin. "A-ako 'yung tumatawag kanina," sabi ko. Kaya pala hindi siya makasagot sa tawag na 'yun. Ewan ko ba, pero para akong pinagtaksilan? "Ha? Hindi ko alam, nasa club ako kanina," sabi niya. Nasa club siya kanina kaya hindi niya nalamang may tumatawag sa kanya. At hindi na niya na-check ang cellphone niya kung may missed call dahil busy siya at ang babae na 'to! "It's okay. I have to go," iyon lang ang sinabi ko. Wala akong karapatang magtanong pa. "Zayl!" tawag niya sa akin pero n

