"You don't want to have s*x with me now?" tanong niya atsaka ako humarap sa kanya. Ano na naman 'to? Panibagong issue? Puwede naman kaming mag-s*x nang hindi ako mabubuntis, hindi niya ba kayang ganun lang? "That's not the issue, you know that," sabi ko atsaka tumalikod ulit sa kanya at nagsimula nang mag-shower. Pinapanood niya lang ako at wala akong pakialam, bahala siya, nagmadali akong nag-shower at nang makatapos ay iniwan ko siya sa loob ng banyo. Pagkabihis ko ng pantulog ay nahiga na ako sa kama at sinubukan ng matulog habang nasa banyo pa siya. Gusto ko na sanang sabihin ang plano ko na mag-aral ulit pero mukhang wrong timing kasi isa pang issue 'yun. Hays, ano bang nangyayari sa amin ngayon? Akala ko kapag mag-asawa na kami wala na kaming magiging problema. Bakit kaya ang bilis

