"Ano, okay na ba kayo?" tanong ni Mama pagkababa namin ng hagdan. Nakahalata na sigurong may tampuhan kaming mag-asawa kanina. "Kulang lang po pala sa lambing," biro ni Jack habang tatawa-tawa. Hinampas ko nga. "Naku, kayo talagang mga bata kayo. Kaya pala ngayon lang kayo bumaba eh," sabi ni Mama. "Ma!" saway ko kay Mama. Mabuti na lang at kami lang tatlo ang tao sa Sala. "Batang 'to, mag-asawa na naman kayo eh," sabi ni Mama. "Oo nga naman, Babe," sang-ayon ni Jack. "Isa ka pa, nakakainis," sabi ko kay Jack and then Bianca suddenly came inside the house. Si Bianca? Bakit siya nandito? "Friend! Hi Jack, hi Tita," bati niya sa amin. Gumanti naman kami ng bati kay Bianca. "Na-miss kita! Pero paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko nung matapos niya akong yakapin. "I've missed y

