Nandito pa rin ako sa banyo at napapatawa pa rin ako. Naiisip ko pa rin 'yung mga laman ng paper bags. Wala lang, sige na OA na ako, pero siyempre hindi naman karaniwan sa mga lalaki ang ganun 'di ba. Ang thoughtful lang ng boyfriend ko kaya natutuwa ako. Nagmadali na akong mag-shower baka mainip na si Jack. Nagulat ako pagkalabas ko ng banyo, nakaupo siya sa kama. Inaabangan yata ako sa paglabas ng banyo. "Ano bang ginawa mo sa loob ng banyo?" tanong niya. Aba't, ano pa nga bang gagawin ko sa banyo alangang nagluto. "Nag-shower. Bakit ba?" tanong ko. Ang mga lalaki talaga napakamainipin. Hindi siya sumagot bagkus sumandal pa sa headrest ng kama. "Sige na magbihis ka na," sabi niya. Magbibihis ako ng nandiyan siya? Ayoko nga. Nakaroba pa lang kasi ako. "Jack, lumabas ka muna please,"

