SINUBUKAN na munang magtimpi ni Zev sa mga nangyayari, higit kailan man ngayon niya pinakakailangang magtimpi. Nagpasya si Zev na bumaba na muna sa opisina niya para kalmahin ang sarili. Ilang beses din naman niyang sinilip si Xena at alam niyang nagpapahinga pa ito. Alam niyang kailangan din niyang magpahinga but for God’s sake, hindi matahimik ang utak niya. Pagpasok niya ng opisina niya ay agad siyang naupo sa swivel chair niya at mariing pumikit. Lahat ng pagod sa nagdaang araw ay ngayon lang niya nararamdaman. Pero hangga’t hindi siya naalala ni Xena ay hindi mapapanatag ang utak niya. Nasa ganoong ayos siya nang marinig niyang bumukas ang pintuan kaya napadilat siya, and that was Chase. Madilim ang buong opisina niya dahil hindi naman niya binuksan ang ilaw kaya ito na mismo ang na

