INAYA na munang lumabas ni Maliyah si Axel para makausap niya ito ng masinsinan dahil parang wala itong balak na gawin sa buhay. Dinala niya ito sa garden ng ospital. “Bakit mo ba ako dinala rito?” nagtatakang tanong naman nito. “Obviously para kausapin ka!” singhal naman niya rito. “Alam mo napakahina mo naman kasi!” “Ano na naman ba ang gusto mong palabasin?” Galit na rin na tanong nito sa kaniya. “Akala ko ba mahal mo pa si Ate Xena ha? Ito na ‘yong pagkakataon mo para makuha siya ulit! Nakalimutan na nga niya sa Zev, eh, kaya dapat gumawa ka ng paraan para makuha ulit ang loob niya.” “Nakalimutan lang niya ‘yong tao dahil may partial amnesia siya pero hindi ba ang sabi mo nga babalik naman ang alaala niya baka mamaya lalo siyang magalit sa ‘kin kapag ipinilit ko ‘yong sarili ko sa

