PAGTAPOS ng kasal ni Xena at Zev ay tinutukan na muna nila ang surgery ni Maliyah kaya bumalik pa rin sila ng Manila. “Ate, hindi mo ‘ko dapat na alalahanin, nandito naman sila Mama, at nandito rin naman si Axel,” wika ni Maliyah, dahil nandoon pa rin siya sa silid nito. Mamaya na kasi ang surgery nito kaya naman hindi na rin sila mapakali, although sinabi naman ng doctor na wala silang dapat na ipag-alala dahil hindi pa naman kalat ang cancer nito at madadaan pa iyon sa surgery. “Alam ko naman ‘yon pero gusto ko pa rin kasi masiguro na successful ang operation bago kami mag-settle down ni Zev sa Davao.” Hindi na kasi itinuloy ni Axel ang pag-alis at nagpasya na lang ito na maghanap ng bagong trabaho roon sa Manila dahil hindi naman daw ito mapapakali at mag-aalala lang ito sa kalagayan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


