“ANO NA naman ba ‘tong binabalak mo, Maliyah?” nakakunot-noong tanong ni Xena sa kapatid. Nagulat kasi siya nang sinabi nito sa kaniyang pinayagan ito ng doctor nito na lumabas. “Wala, Ate, gusto ko kasi sana bago man lang ako sumalang sa operation ay ma-experience ko man lang na makapagpa-photoshoot nang naka-bridal gown at siyempre gusto ko kasama kita, kaya nga ganito ang suot natin, eh,” tugon naman nito. And yeah, kasalukuyan na nga silang inaayusan ngayon, they were wearing a two different wedding gowns. Mas simple nga lang ang dating nang kay Maliyah. Hindi niya maiwasang titigan ang sarili sa malaking salamin na nasa harapan. She wore an off-shoulder wedding dress with a sweetheart neckline and applique with long puff sleeves. The designer used tulle lace. It was a floor-length

