“SO, anong plano mong gawin ngayon, Zev?” kunot-noo na tanong sa kaniya ni Erze. Ipinatawag niya kasi ang mga pinsan dahil magpapatulong siya sa mga ito sa plano niyang gawin. Two days na ang nakakaraan mula nang matapos ang competition pero hindi pa rin bumabalik sa dating sigla si Xena. Alam niya na kahit hindi nito aminin ay apektado ito sa nangyari sa kapatid. “Magsalita ka na, inaantok na ‘ko,” tinatamad naman na wika ni Jax. “I was planning to arrange a celebration party for Xena,” he started. “Pero gusto ko na rin kasi sanang mag-propose sa kaniya.” “Mag-propose?” Gulat na gulat na tanong sa kaniya ni Chase. “Seryoso ka ba, brad? Eh, iilang buwan pa nga lang kayong nagkakakilala hindi ba?” “Oo nga, baka nabibigla ka lang, Zev, saka baka matulad lang ‘yan kay Triz, huwag kang ma

